Daily MaverickTHE GATHERING 2026: Transforming The Wilds from a no-gone zone to a top rated parkESPN DeportesQuiñones anota para llegar a tres goles en Arabia; más actividad de mexicanosInquirerRidon, Diokno to present evidence on alleged Duterte unexplained wealthESPNGranddad, McConaughey and Arch Manning's dealings with fameRTP DesportoMundial2030. Mourinho gostava de final em Lisboa mas diz que deve ser em MadridThe Jerusalem PostNorway's Princess Astrid dies, aged 94, two days after king's funeralХабрКод как борьба. Кратчайшая история IT. 4. Кен Томпсон и Деннис РитчиScreen Rant8 Best New Witchy Books To Read After Seeing Practical Magic 2וואלהגבר בן 62 נפל מגובה במועצה אזורית באר טוביה - מצבו קשהRolling StoneVolunteers at the Gates of HellDeadlineUTA Signs ‘For All Mankind’s Toby KebbellAnime News NetworkVictoria of Many Faces Season 1 Anime Series Review
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, September 11, 2026

P45k halaga ng gadget at mga dokumento, nakuha ng 2 lalaki sa isang kotse na hindi nai-lock ang mga pinto

Translate

Tinutugis ang dalawang lalaki matapos tangayin ang nasa P45,000 halaga ng gadget at mahalagang dokumento mula sa isang nakaparadang sasakyan sa Cainta, Rizal.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing iniwan saglit ng isang lalaki ang kaniyang sasakyan bago pumunta sa kanilang coffee shop sa Barangay San Isidro mag-8 a.m. noong Setyembre 3.

Ilang saglit pa, dalawang lalaking nakaitim ang lumapit at sinilip ang loob ng sasakyan.

Tiyempong naiwang hindi naka-lock ang sasakyan kaya nabuksan nila ang pinto sa likurang bahagi nito, pero wala silang nakuha.

Hanggang sa may makita silang gamit sa passenger seat, kaya agad nila itong kinuha, saka umalis.

Hindi nakunan sa CCTV pero sinabi ng biktima na tinangay ng mga salarin ang pouch na may mga mahahalagang bagay.

“Papaalis kami, then nagpe-prepare ako noon, binababa ko 'yung mga gamit namin. Doon sila sumalisi. Ang laman noon, isang tablet worth around P45,000, then mga importanteng documents, 'yung mga records namin, identifications, nandoon naka-record,” sabi ng biktima.

Sinabi ng barangay na hindi sila pamilyar sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek.

“Karamihan po kasi na nagkakaroon dito is mga dayo. Kaya kailangan maging maingat tayo sa ating paligid. Ang aming barangay ay patuloy naman po nagsusumikap sa pag-roving,” sabi ni Perla Frias, desk officer, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.

Patuloy ang pag-backtrack ng pulisya sa mga CCTV kaugnay ng pagkakakilanlan at kinaroonan ng mga salarin. -- Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.