ESPN DeportesFrancia mantiene invicto de Zidane con remontada ante BélgicaESPNFollow live: Murakami's RBI single puts White Sox on the boardInquirerHighlights: Day 33 of Sara Duterte impeachment trial | Oct. 5, 2026Daily MaverickJUDICIAL APPOINTMENTS: JSC fills Supreme Court of Appeal vacancies amid pressure to reformZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-Nachrichtenstudioالشرقمن الإجابة إلى التنفيذ.. وكلاء الذكاء الاصطناعي يدخلون حياة البشرAntara NewsIndonesia tightens health surveillance over suspected plague in RussiaCBS NewsTrump says he'll start paying for ads after pushback over taxpayer fundingCBS SportsSaints vs. Falcons prediction, odds, time: Week 4 'Monday Night Football' picks from proven modelColliderAmazon's Next Major Comic Book Adaptation From 'Spider-Verse' Writer Gets "Extremely Positive" Update [Exclusive]The Hollywood Reporter‘East of Eden’ Star Mike Faist on Male Ego, Love Triangles and Still Learning from Steven Spielberg東洋経済オンライン朝ドラ「ブラッサム」渡部篤郎の《モラハラ父役》にネット紛糾も…なぜか"惹きつけられる色気"と名作になる予感 | ライフ | 東洋経済オンライン
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, October 5, 2026

Katiwala ng isang simbahan, arestado matapos magnakaw sa Tondo, Maynila; suspek, kinuyog ng taumbayan

Translate

Katiwala ng isang simbahan na naaresto matapos umano'y magnakaw sa Tondo, Maynila kinuyog ng taumbayan.

Maga pa rin ang mukha at ininda pa ng 32 anyos na si alyas Mel ang pananakit ng katawan matapos siyang kuyugin ng mga residente sa Tondo, Maynila.

Nagnakaw daw kasi siya ng mahigit 15 kilo ng bakal sa isang paradahan ng truck sa bahagi ng Balut sa Tondo sa hapon nitong October 2, ayon sa pulisya.

Sa kuha ng CCTV,nakita ang suspek na hirap na hirap maglakad sa bahagi ng Playa Street bitbit ang ninakaw niya na nakalagay sa isang sako.

Maya-maya, makikita na napaupo pa siya sa bangketa at ilang minuto rin nagpahinga.

Ayon sa pulisya, hindi na nahagip ng CCTV ang mga sumunod na pangyayari pero naabutan daw siya sa kanto ng isa sa mga tauhan ng garahe.

"Nagsisigaw ng magnanakaw upang alertuhin yung mga tao dun, at doon may hindi magandang nangyari, medyo nasaktan itong suspek ng taumbayan, sakto naman dumating ang ating kapulisan upang rumesponde at nahinto itong pananakit dito sa ating suspek," ayon kay Police Captain Ryan Jay Balagtas, Smokey Mountain PCP Commander, MPD-1.

Nabawi sa kanya ang bakal na ninakaw niya.

Katiwala ng simbahan

Sa imbestigasyon ng pulisya, dito napag alaman na ang suspek sa krimen, katiwala pala sa isang simbahan sa Tondo.

"Kaya naman daw niya nagawa itong pagnanakaw dahil sa pangkain,... sabi nga namin sa simbahan may libreng pagkain dun... so di natin alam, kung may iba siyang agenda dun sa mga ninanakaw niya," sabi ni Balagtas.

"Paulit ulit na ito kaya napuno na itong complainant sa pagnanakaw dahil lagi lang siyang pinagbibigyan lang, siguro dala ng awa so this time, hindi na pinatawad at tinuluyan na ng ating complainant," dagdag niya.

Aminado naman ang suspek sa kanyang nagawa at humingi rin siya ng tawad sa may-ari ng pinagnakawan niya.

"May pagsisisi sa ginawa mo? Opo, kasi taong simbahan pa naman ako tapos magnanakaw po ako... isang araw po kong walang kain kaya nagawa ko po yun," sabi ng suspek.

"Ginulpi po ko ng taumbayan, kaya kinuha po 'ko ng mga pulis para mailayo sa taumbayan... hanggang ngayon masakit pa rin po to," dagdag niya.

Walang planong magsampa ng reklamo ang suspek.

Na-inquest na ang suspek na sinampahan ng reklamong theft.

Sinusubukan pa ng GMA News na makuhanan ng pahayag ang biktima. — BAP GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.