InquirerWATCH: Sara Duterte impeachment trial | Oct. 8, 2026CNN TürkHava Durumu (08-10-2026)The Jerusalem PostUS begins direct talks with Myanmar in reversal of isolation attempts following military coupESPNNo. 9 hitter Pages delivers in clutch, sends Dodgers to 3rd straight NLCSDaily MaverickRECLAIMING THE COMMONS: Fixing Joburg starts with turning it into a municipality once moreBollywood HungamaShraddha Kapoor, Shakti Kapoor lease Mumbai apartment for Rs 2.5 lakhs monthly rent: ReportRTP DesportoMundial de Hóquei Feminino. Portugal vence Brasil com goleada expressivaESPN DeportesBrewers vence a Padres y va a su 2° Serie de Campeonato al hilo한겨레JTBC 노조 “부도 당일까지도 돈 기다려…중앙홀딩스, 오후에야 늑장통보”ХабрКинематографическая простота Геннадия ШпаликоваMalay MailWhen it is one straw too many for trucking — Chandra Mohan SinnandavarVilaWebS’ha mort Xosé Manuel Beiras a 90 anys, referent del nacionalisme gallec
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 8, 2026

Lalaki, nakitang patay sa mabatong bahagi ng Dolomite Beach

Translate

Natagpuang patay ang isang lalaki sa mabatong bahagi ng Dolomite Beach sa Maynila.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing natagpuan ng mga awtoridad ang katawan ng wala nang buhay na lalaki umaga nitong Lunes.

Nakasuot ang biktima ng pulang t-shirt at pantalon.

Sinabi ng barangay na unang nakita ng security guard ng Dolomite Beach ang katawan, at agad niya itong ipinaalam sa mga awtoridad.

“Pinaalam po ng isang security dito sa barangay may lumutang na bangkay. Kaya agad naman pong ni-report din po ng tanod namin sa barangay chairman. Kaya pinuntahan po namin,” sabi ni Kagawad Erwin Bayan ng Barangay 668 sa Ermita, Maynila.

Tumugon ang mga tauhan ng Manila Police District para iproseso ang bangkay.

Batay sa inisyal na impormasyon ng mga awtoridad, dayo ang 40-anyos na lalaki na napag-alamang galing sa Surigao del Sur.

Bago nito, nakita pa ang lalaki na palakad-lakad malapit sa mga bato sa Dolomite Beach.

“Kahapon po naglalakad pa po iyon. Pinagbawalan siyang pumunta sa mga batuhan. Bawal pong gumawi po roon. Hanggang sa nilalapitan po para pagbawalan, lumayo. Lumapit sa mga batuhan saka tumalon noong lapitan na siya ng Philippine Coast Guard,” sabi ni Bayan.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng Manila Police District.

Dinala ang bangkay sa punerarya, samantalang hinihintay ang mga kaanak ng lalaki. —Jamil Santos/AOLGMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.