The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 17, 2026

1 patay at 3 sugatan sa salpukan ng van at SUV sa Alicia, Isabela

Translate

Isang driver ang nasawi at tatlo ang nasugatan sa banggaan ng isang van at isang sport utility vehicle sa Alicia, Isabela.

Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon, sinabing nasawi ang driver ng van na bumangga sa likod ng SUV sa national highway sa bahagi ng Barangay Burgos nitong Linggo ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sumenyas umano ang SUV na liliko sa kaliwa pero mabilis umano ang takbo ng kasunod na van at bumangga sa kanilang likuran.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang harapan ng van at naipit ang nasawing driver. Nakasakay din sa van ang tatlong nasugatan.

Nakaligtas naman ang mga sakay ng SUV, at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang pamilya ng nasawi, pati na ang ibang sangkot sa sakuna, ayon sa ulat. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.