InquirerProsec agrees: Hard to explain VP Duterte funds even with lumped SALNESPN DeportesAsí vivimos jornada 3 de Series Divisionales de Liga NacionalThe Jerusalem PostThree years later, October 7 is still not in the past for Israelis - editorialESPNPadres survive Brewers in Game 3 to extend series한겨레‘산후조리비 지원’ 오락가락 행정…혼선만 부추기는 경기도ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDF20 MinutenWas hinter der Wut von Frankreichs Jugendlichen stecktCNN TürkAbdulkadir Selvi yazdı... Fon soruşturmasında mesaj net "Çürüyen kol kesilip, atılır"UOLIncêndio atinge fábrica de velas no Jabaquara e teto desabaالنهاراستثمارات كوشنر تحت تدقيق الكونغرس... ما علاقة شركة إسرائيلية بالملف؟SoompiYoo Yeon Seok Is A Single Dad Who Faces Unexpected Crisis In New Drama “The Perfect Lie”01netQualcomm et ARM s’étrillent à nouveau devant la justice : le prix de votre prochain smartphone va-t-il augmenter ?
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, October 7, 2026

2 lalaking dumayo sa QC para manghablot ng cellphone, arestado

Translate

Arestado ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo matapos manghablot ng cellphone sa Barangay Don Manuel, Quezon City.

Nakuhanan sa CCTV ang pagdaan nila sa lugar.

Matapos ang krimen, makikita ang 18-anyos na biktimang college student na patawid ng kalsada.

“Pasakay na siya ng jeep kasi uuwi na siya tapos parang ginagamit niya 'yung cellphone niya at biglang may galing sa likod na riding-in-tandem saka hinablot,” ani Police Lieutenant Colonel Morgan Aguilar, ang Galas Police Station commander.

Nagkaroon pa aniya ng habulan hanggang sa ma-corner ng mga pulis ang mga suspek sa area ng Barangay Tatalon.

Ang isang suspek ay ang 28-anyos na lalaking nagmaneho ng motorsiklo habang ang isa naman ay ang 18-anyos na lalaking nanghablot ng cellphone.

Nabawi ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng mahigit sa P10,000.

May nakuha pang baril na kargado ng mga bala mula sa 28-anyos na suspek.

Sa imbestigasyon, napag-alamang dayo lang sa Quezon City ang mga suspek na residente ng San Juan at Maynila.

“May nag-recruit sa kanila na isang tao na tinuturuan sila kung paano mang-snatch and then kapag naibebenta nila ang isang cellphone, lalo na high-end, binibigyan sila P3,000 each cellphone,” dagdag ni Aguilar.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek din ang nanghablot ng cellphone sa Sampaloc, Maynila kamakailan.

Nakumpirma ito nang makipag-coordinate sa kanila ang Manila Police District.

Aminado ang mga suspek sa krimen.

“Nagawa lang po namin 'yon kasi nangailangan lang po. Birthday ng anak ko, sir,” giit ng 28-anyos na suspek.

Sabi naman ng 18-anyos na suspek: “Nagawa ko po 'yon dahil sa anak ko dahil sa pangangailangan. Panggatas po.”

Wala namang pahayag ang 28-anyos na suspek kaugnay sa nakuhang baril.

Nasampahan na ang dalawang suspek ng reklamong theft.

May karagdagang reklamo ang isang suspek ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. —KG GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.