ESPN DeportesReal Madrid protesta: "Pésimo arbitraje define derbi"ESPN'Did that really happen?' How the Red Sox went from 10-17 to the postseasonBusiness AMNieuw veiligheidspact moet verdediging van Groenland onder NAVO brengenVanguardWhatsApp lists Android phones that can no longer use the appOwngoal NigeriaThe Growing Link Between Football Fandom and Online GamingStraits Times SportAustralia bowling attack boosted as Cummins and Starc return v S AfricaRai NewsAfD primo in Pomerania, dramma Cdu fuori dal Parlamentino. Merz: "Cesura ma il voto non è su di me"BBC NewsAirlines criticise air traffic control as second glitch causes more disruptionPopular ScienceFragment of oldest known peace treaty discovered in Turkey20 MinutenWo kämpfen die Kinder der reichen Politiker, Herr Klitschko?ColliderPrime Video's New 'Reacher' Spin-Off Is Officially Abandoning the Show’s FormulaSBS 뉴스"회계부정 의혹 등 5건 전달"…"청와대 입장에선 가십"
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, September 21, 2026

Baril na walang bala, naipasok umano ng isang 13-anyos na estudyante sa loob ng isang paaralan sa Baguio City

Translate

Nakumpiska sa isang 13-anyos na estudyante ang isang kalibre .38 na baril na walang bala sa loob ng isang paaralan sa Baguio City.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing dinala umano ng Grade 8 na estudyante ang baril na walang bala sa paaralan at ipinakita sa kaniyang mga kaklase.

Pinagpasa-pasahan umano ng mga estudyante ang baril hanggang sa isa sa mga ito ang nag-report sa pamunuan ng paaralan.

Sa kuha ng larawan na ipinakita sa video, may bahagi ng baril ang nakakalas na.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabi umano ng estudyante na nakita niya ang baril sa bodega ng kanilang bahay. Pag-aari umano ng kaniyang namayapang lolo na dating miyembro ng para-military unit ang baril.

Nasa kustodiya ng pulisya ang baril at patuloy pa ang imbestigasyon.

Isinailalim sa phycological intervention ang menor de edad na mag-aaral.

Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang pamunuan ng paaralan at ang magulang ng estudyante, ayon sa ulat.—FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.