ESPN DeportesMichael Penix Jr. busca encender a los Falcons ante PackersThe Jerusalem PostTrump-Xi meeting outside UNGA spotlight tests world body's clout - analysisRTP DesportoDeco acredita em Jesus, um dos melhores treinadores de sempre do futebol portuguêsESPNTyson Fury vs. Anthony Joshua: What you need to knowInquirerNewly paved road in Butuan torn up after cracks foundComplete SportsEuromatch NPFL: Kwara United Boss Reveals Secret Behind Win Over Nasarawa UnitedDeadline‘The Beast In Me’ Renewed For Season 2 With Claire Danes Reprising Role; Howard Gordon Back With Netflix Overall DealThe RegisterDecades-old file security flaws found in Android, Linux, macOS, and WindowsThe Hollywood Reporter‘Gabby’s Dollhouse’ Spinoff ‘Doozie’s Doghouse’ Set at Netflix (Exclusive)Variety‘Beast in Me’ Renewed for Season 2 With Claire Danes ReturningCBS NewsTrump hosting China's Xi at White House with AI and tariffs on the agendaBusiness AMVerenigde Staten bevestigen dat er acht zelfmoordpogingen waren tijdens recordmissie USS Abraham Lincoln
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, September 24, 2026

Lalaking na-trap sa imburnal, sinagip; kung paaano siya napunta sa imburnal, palaisipan

Translate

Isang lalaki ang pinagtulungan ng mga awtoridad na sagipin matapos siyang makita sa loob ng isang imburnal sa Quezon City. Nang tanungin ang lalaki kung papaano siya napunta sa loob ng imburnal, wala umano itong malinaw na paliwanag.

Sa ulat ni Marisol Abdurahman a GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, makikita ang pagsisikap ng rescue team na maiangat ang malaking semantadong takip ng imburnal sa Barangay Tatalon upang makuha ang lalaki.

Nang maiahon ang lalaki mula sa loob, ilang beses siyang tinanong kung papaano siya napunta sa imburnal pero hindi siya sumagot.

Dinala ng mga awtoridad sa barangay hall ang lalaki upang hingan ng paliwanag. Ayon sa punong barangay na si Kiko Del Mundo, sinabi umano ng lalaki na nanggaling siya sa birthday party ng dati niyang kinakasama noong gabi.

“Nung kinausap namin yung kinakasama niya po ay [sinabi na] matagal na silang wala. So parang yung lalaki, hindi matanggap yata yung nangyari sa kanila ng kinakasama parang nagkaroon yata ng depresyon,” ani Del Mundo.

Gayunpaman, naghihinala pa rin si Del Mundo sa paliwanag ng lalaki dahil hindi nasagot ang tanong kung papaano ito nakarating sa loob ng imburnal.

“Kapag tumalon ka kasi sa San Juan River, diretso na ‘yan ng San Juan River, dadaan ka na ng Araneta, E. Rod, pero ba’t napunta ka diyan? Baka mamaya, member siya ng isang kilalang grupo na gumagawa ng underground na, kung tawagin na termite gang,” ani Del Mundo.

Ang termite gang ay grupo ng mga kawatan na nanloloob sa mga establisimyento at dumadaan sa mga lagusan sa ilalim gaya ng mga drainage system.

Ayon sa ulat, may isang pawnshop na hindi kalayuan sa imburnal kung saan nakita ang lalaki, na dati na palang nasangkot sa carnapping incident.

Gayunman, hinayaan na makalaya ang lalaki dahil walang arrest warrant na nakabinbin laban sa kaniya. – FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.