The Jerusalem PostFormer hostage Romi Gonen reveals footage from moments she was taken to GazaPunchArmy confirms killing of ISWAP leader in OndoESPN'If we bunt, we win': How the Rays developed a secret weaponBollywood HungamaSanjay Leela Bhansali and Alia Bhatt planning to revive Inshallah after Love And War: REPORTUN NewsOne day behind bars: Students and incarcerated women break prison stigma in ThailandInquirerEl Niño to bring drought to all provinces by March 2027 – DOSTSky TG24Baby Gang resta in carcere, gip respinge domiciliari: "È in rete criminale internazionale"Observador DesportoMoedas: "As lutas ideológicas nunca deram casa a ninguém"Il Fatto Quotidiano“Dal ‘ti amo’ all’addio in una settimana, questo è lui”: Elon Musk lascia Shivon Zilis all’improvviso e lei pubblica le loro chat privateRTL BoulevardKeizer Naruhito woont openingsceremonie Japans parlement bijOnetDonald Tusk zapytany o list żelazny dla posła PiS. Premier wskazał, co było błędem7sur7“Malgré la maladie, il a continué à créer”: le rappeur français Prince Waly est mort à 34 ans
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, October 5, 2026

[EDITORIAL] Sara Duterte: Dalawang amo, dalawang bandila?

Translate

[EDITORIAL] Sara Duterte: Dalawang amo, dalawang bandila?

Nico Villarete

Nakagagambala na hindi nagagambala ang publiko. Kapag kolektibong pagkibit-balikat ang nagiging tugon ng mga mamamayan sa pinakabagong kontrobersiya ng Bise Presidente, Sara Duterte has won half the battle.

AT A GLANCE

  • Ibinunyag ni dating senador Sonny Trillanes na umano’y mula sa gobyerno at mga negosyo sa China ang perang pumasok kay Vice President Sara Duterte at kanyang pamilya.
  • Kung mapapatunayan, banta ito sa seguridad ng Pilipinas ang ginawa nina Duterte. Labag din ito sa batas na nagbabawal sa mga lingkod ng bayan na tumanggap ng pondo mula sa mga dayuhan.
  • Nakababahala na mukhang wala nang pakialam ang publiko sa mga eskandalong katulad nito. Ibig sabihin, naging normal na sa atin ang korupsiyon, at nawawalan na ng integridad ng mga institusyon sa Pilipinas.

This is AI-generated. Read the article for full context. Report any errors.

Mula sa sala-salabat na corporate web ng umano’y tagong yaman ni Bise President Sara Duterte at ng kanyang pamilya, biglang tumawid ang kuwento sa pambansang seguridad.

Bakit? Tumawid na kasi ang usapin sa Chinese business interests. Sa exposé ni dating Senador Sonny Trillanes, hindi na lang municipal contracts ang naka-spotlight. Andiyan ang Gencorp Industries Inc. at ang kumokontrol dito na JTC Group of Companies — pag-aari ng business partner ng mga Duterte na si Jaime T. Cruz. Kasama sa network ng JTC ang mga corporate filing sa ilalim ng pangalan ng isang “Ang Hai Peng.” 

Sariwa pa sa alaala natin ang dating mayor ng Bamban, Tarlac, na si Alice Guo at ang umano’y ibang persona niyang Chinese. Ganyan din daw ang kaso ni Jaime T. Cruz na, ayon kay Trillanes, ay kapareho ang birthday ng isang “Ang Hai Peng.” Ang pangalang iyan ay matatagpuan sa mga naunang corporate records ng JTC. Wala raw footprint si Ang Hai Peng tulad ng birth o marriage certificate, walang passport, at peke raw ang tax identification number. 

Ayon kay Trillanes, kasama rin sa network ng mga kompanya ang Cale88 Foods Corp., isang negosyong pinondohan ni Attorney Mans Carpio, ang asawa ni Sara Duterte. Nasa P319 milyon umano ang dumaloy sa Cale88 mula sa Chinese government at China-based corporations. Wala pa riyan ang donasyon ng Chinese embassy sa Tapang at Malasakit Foundation, kung saan nasa board of trustees si Duterte.

Sabi ni Defense Secretary Gibo Teodoro, may implikasyon ito sa national security. Ipinagbabawal ng batas na tumanggap ng pondo mula sa isang banyagang kapangyarihan ang sinomang public servant. At hindi lang ito basta-bastang foreign power — ito’y Tsina, ang kapitbahay ng Pilipinas na patuloy na nagte-trespassing sa ating bakuran sa West Philippine Sea. 

Puwedeng bang magsilbi ang isang lingkod-bayan sa dalawang amo? Sa dalawang bandila? 

Sa gitna ng pakikipaggitgitan ng mga Pilipinong sundalo laban sa umaangkin ng West Philippine Sea, hindi lamang kawalan ng professional ethics ng isang opisyal ang pagtanggap ng pondo mula sa Beijing, kung mapatutunayan. Pagtataksil ito sa bayang sinumpaang paglilingkuran. Pagtataksil ito sa mga mangingisdang araw-araw inaagawan ng mga militia ng Tsina ng yamang dagat. Pagtataksil ito sa mga sundalong nagtitiis sa peligro, gutom, at uhaw nang ilang buwan sa BRP Sierra Madre. Pagtataksil ito sa mga sundalong hinahambalos ng mga Chinese kapag hinaharang sa pagpapatrolya sa karagatan.

Maliban diyan, nakagagambala na hindi nagagambala ang publiko — tila manhid na ang taumbayan sa mga eksplosibong rebelasyon, normalized na ang political scandals, at napakababa na ng expectations mula sa isang public official. Basta wala kang eskandalo, pasado ka na kahit papetiks-petiks ka.

Tagos na sa buto ang kawalang pakialam. Kapag kolektibong pagkibit-balikat ang nagiging tugon ng mga mamamayan sa pinakabagong kontrobersiya ng Bise Presidente, Duterte has won half the battle. 

Ibig sabihin, ganyan na kahina ang ating mga institusyon; ganyan na tayo kamanhid sa kalokohan ng mga politiko.

Kailangang patunayan ni Senator Trillanes ang kanyang mga alegasyon gamit ang matibay na ebidensya. Kundi, makikidagdag lang siya sa desensitization ng taumbayan. – Rappler.com

View the original on Rappler →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.