ESPN DeportesIsaac del Toro, quinto lugar del Mundial de CiclismoThe Jerusalem PostSmotrich, Strock demand Netanyahu reject new BoP Gaza plan, say it contradicts US-Israel agreementsESPNFlorida jumps to highest ranking since 2020 as Texas solidifies grip on No. 1Daily MaverickBill Gates joins calls for AI safeguards, including legislationRTP DesportoGonçalo Ramos marca o 2-1InquirerDENR calls for cleanup of disturbed areas at Sibuyan minen-tvDFB-Elf patzt in Nations League: Griechenland verdirbt Jürgen Klopp die HeimpremiereBillboardStella Lefty Parts Ways With Managementالشرقتصعيد جديد.. إسرائيل تنهي حصانة الدبلوماسيين الهولنديين في رام اللهANSA SportFigc: botta e risposta Ceferin-Buonfiglio, e arriva sponsor ItalPetroliХабрВсе (я надеюсь) способы работать с транзакциями в goDigital SpyLord of the Rings star announced for surprising new project
The Daily Newsstand · Free, Always
Sunday, September 27, 2026

Ginang na humiling na magkaroon na ng apo sa 2 niyang anak na dalaga, nagkaroon bagong anak na lalaki

Translate

Sa edad na 45, pabirong hinihiling ng isang ginang sa kaniyang dalawang anak na dalaga na magnobyo na para magkaroon na siya ng apo. Pero ang hindi niya inasahan, isa pang anak na baby boy ang darating pala sa kaniya.

Sa ulat ni Katrina Son sa “24 Oras Weekend” nitong Linggo, sinabi ni Heidi Espiritu-Dimacali, na madalas niyang biruin ang dalawa niyang anak na babae na pumasok na sa relasyon para magkaroon na siya ng apo.

Bente-sais anyos na ang panganay niyang anak at isang aeronautical engineer, habang ang 22-anyos na isa pa, nag-aaral naman ng dentistry.

"Kaya nung nakita nila na mayroon nang ultrasound, ayun, doon na sila shocked," sabi ni Heidi na mahigit dalawang dekada ang agwat ng dalawa sa kanilang bunso.

Itinuring na high-risk ang pagbubuntis ni Heidi dahil sa kaniyang edad. Pagsapit niya ng ika-34 na linggo ng pagbubuntis, nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan at inakala niyang manganganak na siya.

Nakaranas din siya ng premature labor na nauwi sa matinding sepsis. Sa kabila ng lahat, nailigtas ang sanggol at nailuwan niya matapos umabot sa 38 linggo ang kaniyang pagbubuntis.

Ayon kay Heidi, hindi na naging problema sa kaniyang mga anak ang mahigit dalawang dekadang agwat ng edad nila sa kanilang bago at bunsong kapatid dahil nag-uunahan pa ngayon ang mga ito sa pag-aalaga.

"Mas masaya ngayon kasi na-e-enjoy nila yung kapatid nila at excited silang laging umuwi, lalo na kapag hindi sila makuwi,” aniya. “Nag-aagawan sila kung sino ang unang kakarga at kung sino ang unang mag-aalaga.” —Nika Roque/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.