South Korea, panalo ng gold sa Asian Games basketball vs Japan; China, bigo sa bronze vs Iran

Luhaan ang host country na Japan matapos masungkit ng South Korea nitong Linggo ang gintong medalya para sa men’s basketball sa Asian Games, sa pamamagitan ng 67-57 panalo sa finals sa Nagoya. Ang China naman, hindi maiuuwi ang bronze medal matapos biguin ng Iran, 79-70.
Nanguna sa scoring para sa South Korea si Lee Hyun-jun na nagtala ng 27 puntos, kabilang ang limang three-pointer, sa isang dikit na laban na tinulungan din ng ilang mintis na tira ng Japan squad,
"I'm unbelievably happy," sabi ni Lee. "More than anything I'm extremely grateful to my teammates."
Umaalingawngaw ang ingay sa punong-puno na IG Arena, na sa bawat puntos ng Japan ay dumadagundong ang sigawan, at sa bawat free-throw attempt ng South Korea.
Gayunman, hindi rin nagpatalo ang malaking bilang ng mga tagasuporta para sa team ng South Korea.
"We could hear the voices of the fans who came here from Korea very clearly, and I think their support gave us strength," ayon kay Lee.
Tabla ang dalawang koponan, 28-28, matapos ang first haft. Ngunit mabilis na umarangkada ang mas beteranong South Korea sa third quarter at nakalamang ng 55-47, na hindi na nagawang mabawi ng Japan.
Emosyonal ang mga eksena nang tumunog ang final buzzer habang ipinagdiriwang ng mga manlalaro ng South Korea ang panalo kasama ang kanilang Latvian coach na si Nikolajs Mazurs.
"Our foreign coach, he went through a great deal. He came here alone, without his own full coaching staff, to work in a foreign country," anang maluha-luhang si Lee. "I always seem to cry when I win a championship. The feeling of winning is so wonderful."
Ito ang unang gintong medalya ng South Korea sa basketball mula noong 2014 Asian Games sa Incheon, at ikaapat na basketball gold medal nila sa kasaysayan ng Asian Games.
Nanguna naman sa Japan si Ren Kanechika na nagtala ng 13 puntos.
"I'm disappointed because we were aiming to win gold," ani Kanechika. "We slumped in the second half."
"Korea came out strong and we lost to that, and we really respect their fight," dagdag niya.
Bronze sa Iran
Samantala, nalampasan ng Iran ang late comeback ng China upang talunin ang huli, 79-70, at makuha ang bronze medal.
Nanguna ang China, 31-29, sa halftime, ngunit kinuha ng Iran ang kontrol sa third quarter upang lumamang, 55-46, at napanatili ito hanggang sa dulo ng laban.
"To be honest with you I'm just speechless," ayon sa power forward na si Arsalan Kazemi, ang unang Iranian na-draft sa NBA ng Washington Wizards noong 2013 ngunit hindi nakapaglaro sa regular season.
"The pressure that we had on us is just out of this world," saad niya. "Not a lot of athletes can say that, with the way that it has been since almost six months ago, what we have been through, what our families have been through."
"I just congratulate the people of Iran because they deserve much better,” patuloy pa ni Kazemi. "And I think my teammates and I put our hearts out on the court today just to get this win and make them happy."
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.