The Jerusalem PostDiplomatic challenges from US, Europe, Iran, await Israel's next prime minister - analysisPunchEkiti APM candidate promises 100 federal jobsDaily MaverickBHEKISISA: Robots, polony and the long road to recovery from schizophreniaInquirer EntertainmentMarian Rivera took just 1 day’s pay for ‘Balota,’ donated the rest to crew, charityInquirerResigning never crossed Sara Duterte’s mind despite impeachment, says spoxThe South AfricanBrand-new Bafana star’s playing style compared with Doctor KhumaloZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFFootball ItaliaNapoli eye Chelsea winger Gittens in January swoopNHK 社会JIS不適合生コン製造などで認証取り消し 麻生コンクリート工業Wirtualna PolskaGibała po marszu: "Morderca nie osiągnął swojego celu"DeadlineITV News & Guardian Closer To Publishing Sexual Misconduct Allegations About British Star After Injunction Appeal Deadline Passed20 MinutenCS, UBS – und bald 1000 Wohnungen? Uetlihof steht vor Verkauf
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 10, 2026

Ama at babaeng anak, natagpuang patay at tadtad ng saksak sa kanilang bahay sa Cavite

Translate

Duguan, tadtad ng saksak at wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang 48-anyos na ama at kaniyang 22-anyos na babaeng anak sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Martes, sinabing lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na posibleng ang ama mismo ang sumaksak sa kaniyang sarili at sa kaniyang anak.

Natagpuan ang mag-ama malapit sa banyo nitong Linggo ng hapon. Nakuha sa tabi ng ama ang isang kitchen knife na hinihinalang ginamit sa krimen.

Bago nito, nagtungo sa bahay ang isa nilang kaanak para tingnan kung bakit hindi na tumutugon ang anak na babae sa kaniyang ina. Ngunit wala umanong sumasagot nang katukin ang bahay ng mag-ama habang nasa Metro Manila para magtrabaho ang ina ng babae.

Nang silipin ang bintana, dito na sila nakakita ng mga senyales ng krimen kaya puwersahan nang binuksan ang bahay.

Hanggang sa natagpuan sa loob ang mga labi ng mag-ama, na isinailalim na sa autopsy.

“‘Yung anak po na babae ay nasa paanan po ng tatay. May mga blood splatter po du’n sa bandang abdomen po ng tatay at saka mukha ng batang babae. Pati po sa kamay ng batang babae. Meron din pong sugat sa kamay ng batang babae. Parang indicator na defensive wound, and may kitchen knife,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Roel Gabito, hepe ng General Mariano Alvarez, Cavite Police.

Batay sa resulta ng autopsy, nagtamo ng hindi bababa sa 11 saksak ang anak na babae, habang hindi bababa sa 13 ang saksak na tinamo ng kaniyang ama.

Lumabas din sa imbestigasyon ng pulisya na walang indikasyon na puwersahang pinasok ang bahay at wala ring nawawalang gamit.

Isa ring salaysay mula sa kapitbahay ang nakuha ng pulisya, na may narinig umano silang komosyon sa loob ng bahay.

“Hindi pa po ma-conclude o hindi pa po ma-sure po ang reason talaga. May witness po kasi tayong nakadinig po sa pangyayari. Kapitbahay po ito, katabi mismo po ng bahay, nu’ng narinig niya 'yung salita po ng bata. Pasigaw po ‘yung narinig niya. Ang pinaka-word po doon is, ‘Papa, tama na.’ Kasunod po is 'yung boses po ng lalaki. Pero hindi po clear 'yung pagkakarinig po ng witness,” sabi ni Gabito.

Lumabas pa sa inisyal na imbestigasyon na ang ama ang suspek sa krimen.

“Kung susundan po 'yung mga evidence gathered, 'yung tatay po ang may gawa at dumidepensa na lang ‘yung... Parang dating po is ina-assault 'yung anak. Parang ganu’n po ang dating. Na ang tatay po ang may ano po. Then isama pa po natin 'yung situation ng tatay na sabi nga po ay may depression. Malaki po ang possibility na tatay po ang may gawa,” ani Gabito.

Nakaburol sa kasalukuyan ang 22-anyos na babae habang na-cremate na ang kaniyang tatay.

Labis ang pagdadalamhati ng ina ng babaeng biktima. Huli raw niyang nakausap ang kaniyang mag-ama noong Sabado ng gabi at walang indikasyon na may problema.

Nitong Abril lamang siya nakauwi ng Pilipinas para makasama ang anak, makaraan ang mahigit isang dekadang pagtatrabaho sa Taiwan bilang OFW.

Wala umano siya sa kanilang tahanan na maganap ang krimen dahil katatanggap niya lang ng trabaho sa Metro Manila.

“Sobrang nagulat ako kasi ang tagal kong OFW, 12 years. Wala namang ganiyang nangyayari eh. Kumbaga wala sa isip ko, kampante naman ako. Iniiwan ko 'yung anak ko. Pero ‘di ko lubos maisip ko na, sobrang bigat kasi eh. Parang ang tagal ng tiniis ko na hindi makasama 'yung anak ko. Tapos ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon na magkasama 'yung dalawa, magbonding. Tapos lahat ng pangarap niya, maraming pangarap ‘yun eh,” sabi ng ina ng babaeng biktima.

Hinihintay pa ng pulisya ang kumpletong forensic report sa ginawang pagsusuri sa mga labi ng mag-ama. –Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.