The Jerusalem PostUN human rights chief calls on Houthis to return body of Yemeni staff member who died in custodyBollywood HungamaBREAKING: Dhurandhar to OPEN Indian Panorama at 57th IFFI Goa 2026 while Ramayana to open BRICS segment; The Kerala Story 2 enters PRESTIGIOUS International CompetitionInquirerChua on defense wanting longer trial: We call it ‘masochism’Il Sole 24 OreRiforma fiscale Cgil: nuova Irpef progressiva e contributo sulle grandi ricchezze oltre i 2 milioni di euroNU.nlLivestream | Bekijk live de reactie van Jetten na crisisoverleg van coalitieNOSTwee vrouwen aangeklaagd voor medeplichtigheid aan dodelijke schietpartij in StadeZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFBellaNaijaNigerian-Born Shirley Emehelu Makes History as New Jersey’s First Immigrant Lieutenant GovernorSRF NewsKrieg in der Ukraine – EU-Ratspräsident: Fünf Länder und EU-Vertreter bei VerhandlungenWirtualna PolskaMord po pasterce. Tak wyglądały szczegóły zbrodni połanieckiejDeadlineAnna Van Patten Joins Searchlight’s ‘Playmates’kickerSinner von Comeback auf Platz noch "weit entfernt"
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, November 13, 2026

HS student sa Ateneo de Davao na nahuli-cam na nananakit ng isang estudyante, pinatalsik sa paaralan

Translate

Pinatalsik sa paaralan ang isang estudyante ng Ateneo de Davao Junior High School (JHS) dahil sa umano'y pambu-bully. Ang insidente ng pananakit niya sa kapuwa mag-aaral, nakuhanan ng video.

Sa ulat ni Jandi Esteban ng GMA Regional TV sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing kumalat online ang isang video na nagpapakita ng isang estudyanteng nananakit ng kapwa estudyante.

Nangyari umano ang insidente sa isa sa mga palikuran ng Ateneo de Davao University Junior High School noong Nobyembre 5.

Hindi nagbigay ng karagdagang detalye ang paaralan tungkol sa insidente. Gayunman, sa opisyal nitong pahayag noong Miyerkules, sinabi nitong gumawa na sila ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng biktima.

Nagsagawa rin sila ng imbestigasyon hinggil sa pangyayari, at iniulat na rin ang insidente sa Department of Education (DepEd).

Noong Huwebes, inanunsiyo ng paaralan na pinatalsik na ang estudyanteng responsable sa pambu-bully habang patuloy namang iniimbestigahan ang iba pang mag-aaral na posibleng sangkot sa insidente.

Ayon sa impormasyong natanggap ng GMA Regional TV One Mindanao, ayaw na umanong pumasok sa paaralan ng biktima dahil sa trauma na idinulot ng insidente. Matapos sumailalim sa medical checkup, patuloy daw itong nakararanas ng pananakit ng ulo.

Nakikipag-ugnayan na ang punong-guro ng paaralan sa Davao City Police. Samantala, sinabi ng DepEd Davao Region na patuloy nilang imo-monitor ang kaso.

“Our schools are considered as zones of peace… We have a responsibility to really give flesh with respect to the protection of our children,” pahayag ni DepEd Davao Region spokesperson Janielito Atillo.

Ayon kay Atillo, kailangang tiyakin ng paaralan na may sapat at angkop na pagtugon sa naturang insidente. Kung hindi, maaari silang managot.

Pinaalalahanan din niya ang mga paaralan na obligasyon nilang magkaroon ng maayos na mga patakaran para sa protektahan ang mga bata at paglaban sa bullying.

“Dapat po natin ma-monitor ang mga estudyante na pasaway, ‘yong mga posibleng mam-bully, dapat makausap na at magkaroon na ng proper guidance para hindi maulit ang ganong insidente,” sabi ni Davao City Police Office (DCPO) Director PCOL. Peter Madria.

Sinabi naman ng paaralan na pag-aaralan at pag-iibayuhin pa nila ang kanilang mga patakaran upang labanan ang bullying. —Jean Mangaluz/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.