Bollywood HungamaMoushumi Chatterjee's husband Jayanta Mukherjee passes awayThe Jerusalem PostIsrael's coalition game: Netanyahu, Eisenkot play political bluff - who will blink first?InquirerCoast Guard recovers body of missing fisherman off BatangasDaily MaverickOUR CITY NEWS: Pools to close in searing heat as City runs out of chlorineZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFStraits Times SportMauricio Pochettino poised to agree 2½-year deal at Manchester Unitedالشرقدراسة تربط بين اضطراب مواعيد النوم وزيادة الاكتئاب والقلق والشعور بالوحدةRai NewsTuttifrutti. Johnny Depp in Scrooge e gli spiriti del Natale. Paolo Vivaldi e le sue colonne sonore7sur7Des négociations de crise en cours pour éviter la chute du gouvernement aux Pays-BasRMF24Rekordowo mało wakatów. Koniec z brakami w polskiej policji?RTP DesportoManchester United contrata PochettinoWirtualna PolskaUrodził się 176 lat temu. Wymyślił postać, którą zna cały świat
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, November 13, 2026

Pagtatanim ng anak ng mga dragon fruit sa bakuran para sa inang may cancer, 'di inakala na magiging isang malaking negosyo

Translate

Isang lalaki ang nagpasiyang magtanim ng dragon fruit sa kanilang bakuran para matulungan ang inang may cancer bilang alternatibong medisina. Ang negosyo, hindi niya inakalang magbibigay ng malaking kita.

Sa nakaraang episode ng Pera Paraan, sinabing bunga ng klase ng climbing cactus ang dragon fruit. Kilala rin ito sa tawag na “Pitahaya,” na mayaman sa dietary fiber, vitamin C at antioxidant compounds.

Hindi na lang pinapapapak nang sariwa, ginagawa na ring shake, salad at syrup ang dragon fruit. Puwede na ring sangkapan ng dragon fruit maging ang tinapay.

Ikinuwento ni Kevin Eliscupides, owner ng Bulacan Dragon Fruit Depot, ang pagtatayo niya ng sariling dragon fruit farm na may sukat na halos tatlong ektarya.

“Inumpisahan namin ‘yung backyard farm back in 2013, 2015 mga ganyan. And then eventually became a farm. Nung nakita namin na meron pala talagang need, we started selling tapos marami nang bumibili. Nu’ng una is nahingi lang 'yung mga pananim. And then later on nu’ng mag-uumpisa na ng farm, ang una kong pangkapital ay mga around P500,000,” sabi ni Kevin.

Naisip niya ito para na rin magkaroon ng alternatibong gamot para sa kaniyang inang may sakit na cancer.

“Nagka-cancer ‘yung mom ko. So naghanap kami ng alternative other than the typical medicine. Then nagtanim kami ng dragon fruit sa backyard. So ngayon nag-umpisa kaming na magbenta ng bunga,” sabi pa niya.

Naniniwala si Kevin na darating ang panahon na marami ang tatangkilik sa dragon fruit dahil sa dala nitong benepisyo sa kalusugan.

Bukod sa bunga ng dragon fruit, puwede ring pagkakitaan sa taniman nina Kevin ang stem cuttings na ibinebenta sa mga gustong magtanim ng dragon fruit. Umaabot ng tatlo hanggang apat na buwan bago makuha ng kanilang customers ang bawat stem cutting.

“Once na maka-receive kami ng order, ito ‘yung first stage namin kung saan pinapa-ugatan na namin 'yung inyong mga orders,” sabi ni Jen Punzalan, manager ng Dragon Fruit Depot.

“Ang binibigay na naming planting materials is may ugat at saka sanga na,” sabi pa niya.

Hihintayin ang nasa halos dalawang buwan bago mamunga ang mga dragon fruit. Season ng dragon fruit ang mula abril hanggang Mayo at Oktubre hanggang Nobyembre.

Aabot sa 200 klase ng dragon fruit ang nakatanim sa farm ni Kevin. Ilan lamang sa mga ito ang

Australian Golden Yellow, Orange Grenade, Hana, Orange Skin White Flesh, at Desert King.

Nakabase na si Kevin sa America kasama ang pamilya, ngunit madalas pa rin siyang umuuwi sa Bulacan para sa kaniyang negosyo.

“Nakikita ko na malaki ang potential ng dragon fruit sa Pilipinas. So kaya kami actually na-recognize ng Department of Agriculture bilang Learning Site for Agriculture. So kami talaga ang kauna-unahan and the only farm na LSA certified,” pagmamalaki niya.

Umaabot ng isa hanggang dalawang toneladang dragon fruit ang inaani nina Kevin kada buwan saka ibabagsak sa kanilang mga retail partner.

Dumarami pa ang mga nagkaka-interes sa dragon fruit farming, mula retirees hanggang sa OFWs.

Panoorin kung paano itanim ang stem cutting na maaaring ma-order sa kanila. Panoorin. .– FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.