1 pang bangkay, nakita na matapos tangayin ng malakas na agos sa spillway ang 1 jeepney sa Rosario, Batangas

Nakita na ng search and rescue (SAR) teams ang ikalawa at huling nawawalang pasahero sa jeepney na tinangay ng malakas na agos habang tumatawid sa spillway sa Rosario, Batangas, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes.
Sa pahayag ng Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL), dakong 8:30 ng umaga kanina nang matagpuan ang labi ng biktima.
“Two Fatalities Recovered: First body recovered approximately 3 kilometers downstream on 04 October; second body recovered today, 05 October,” ayon sa Coast Guard.
The second body was retrieved 800 meters downstream from the spillway along the Pinansingin River in Sitio Kilo, Barangay Colongan.
Narekober ang katawan ng ikalawang biktima 800 metro ang layo mula sa spillway, sa bahagi ng Pinansingin River sa Sitio Kilo, Barangay Colongan.
“With this latest retrieval, all 14 individuals onboard the passenger jeepney swept away during Saturday’s incident have been fully accounted for,” pahaya ng PCG.
Nakaligtas naman sa trahediya ang 12 pang pasahero ng jeepney sa nangyaring insidente.
Muling nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko at mga motorista na mag-ingat nang husto at iwasang tumawid sa mga spillway at ilog kapag mataas ang tubig o malakas ang agos. – Joviland Rita/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.