ESPNWeek 4 Power Rankings, plus every team's fantasy surpriseThe Jerusalem PostIranians stagger under soaring cost of living after seven months of war with the USESPN DeportesAutoridades de Manchester City rebaten veredicto de Premier LeagueBollywood HungamaGondhal team meets Maharashtra CM Devendra Fadnavis, appeals for financial support ahead of Oscar 2027 journeyDaily MaverickStudent protests and French public sector strike heap pressure on MacronRTP DesportoSalvador diz que Sporting de Braga "exige mais" do que o que foi apresentadoPunchMeet Nigerian dancer attempting 168-hour Guinness World RecordBillboardElton John Opens London’s Apple Music Hall With Intimate, Hit-Packed PerformanceVariety‘GMA’ Anchor and Christopher Reeve’s Son Will Reveals Testicular Cancer Diagnosis: ‘I Was Raised to Share One’s Struggles’Egypt IndependentBritain’s PM is on a ‘Burnham bounce.’ When will he fall to earth?Antara NewsJakarta rises to 140th worldwide in Global Cities Index 2026Il Fatto Quotidiano“Mostrava i genitali e si masturbava di fronte a una 18enne”: giudice sospeso dal Csm. Lui: “Solo frasi volgari, mi scuso”
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, September 29, 2026

Driver ng 7 tricycle na nagkarera sa Marcos Highway, pinaghahanap ng LTO

Translate

Pinaghahanap ng Land Transportation Office (LTO) ang ilang driver na diumano'y sangkot sa pagkakarera ng pitong tricycle sa Marcos Highway sa Marikina.

Sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Martes, mapapanood sa dashcam footage ang pagbaybay ng isang sasakyan sa Marcos Highway pasado alas-2 ng madaling araw nitong Linggo.

Pagdating ng sasakyan sa intersection ng Felix Avenue sa Cainta at Mayor Gil Fernando Avenue sa Marikina, isang tricycle ang biglang sumulpot sa kaliwang bahagi nito.

Ilang saglit pa, magkakasunod nang humarurot ang apat pang tricycle. Muntik pang tumagilid ang isa sa mga ito matapos biglang mag-overtake.

May sumunod pa umanong dalawang tricycle.

Sinabi ng driver at may-ari ng dashcam video na ilang kilometro ang tinakbo ng pitong tricycle habang nagkakarera sa kalsada.

“Halos lahat po ng linya sa Marcos Highway kinain nila. Coming from inner lane, lumalabas sila sa outer lane. Tapos magsu-swerve ulit pa-fast lane na parang sila lang 'yung mga motorista during that time,” sabi ng 'di pinangalanang saksi.

Wala umanong mga takip ang likurang bahagi ng mga tricycle at wala rin silang mga plaka.

Sinabi pa ng saksi na may mga sasakyan, kabilang ang ilang truck, na umiwas na lamang sa grupo ng mga nagkakarerang tricycle.

Nai-report na ang insidente sa LTO.

“Ma'am, ano 'yan, mga nagda-drag race? Maraming violation. Illegal modification 'yan, 'yung tinatanggal 'yung bubong, nilala-lighten nila dahil nga pangkarera nila. Ipinagbabawal 'yung mga karerang ganiyan kasi nagiging sanhi 'yan ng mga aksidente,” sabi ni LTO chief Markus Lacanilao.

Binalaan ni Lacanilao ang mga driver na mahaharap sa impounding at mabibigat na multa ang mga nasasangkot na tricycle.

“Pag nahuli namin 'yan, kapag na-determine natin na hindi 'yan ang nakarehistro o paso 'yung mga rehistro nila, impound na 'yan. Tapos 'yung mga illegal modifications nila ay malaki 'yung mga penalty na aabutin," ani Lacanilao.

"Sisiguraduhin ko, sa dami ng violations ninyo, mahihirapan kayo!” dagdag pa niya.— Jamil Santos/MCG GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.