Kapitana ng barangay at 2 pang kasama, sugatan sa ambush sa SGA-BARMM

Sugatan ang isang babaeng punong-barangay, at dalawa niyang kasama, matapos silang pagbabarilin habang nakasakay sa isang pick-up truck sa Barangay Tumbras sa Kadayangan, Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Lunes ng hapon.
Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, makikitang tadtad ng tama ng bala ang windshield at magkabilang bintana ng sasakyan na nahulog sa kanal dakong 1:30 pm kahapon.
Ayon sa pulisya, kasama sa sugatan si Fatima Mokamad, chairwoman ng nasabing barangay, at dalawang kasama, na pawang dinala sa ospital.
Naglunsad naman ng hot pursuit operation ang mga awtoridad para tugisin ang tumakas na mga salarin.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen, at sinisikap din na makuhanan ng pahayag ang mga biktima.—FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.