ESPNDon't look now, Michiganders, but you're back in the Bottom 10RTP Desporto12h30 Aviso a CR7: "Jesus não vira cara à luta"The Jerusalem PostMaine Senate candidate Troy Jackson opposes US giving Israel 'blank check'PunchTinubu mourns NADECO chieftain Ralph ObiohaVanguardIGP Disu mourns 25 NAF personnel, passengers killed in crashRapplerAnyare? Villars’ AllHome, AllDay confirm store closuresCollider‘Carrie’s Mike Flanagan Confirms Why He Made a Major Change From Stephen King’s BookSouth China Morning PostChinese consortium to build Latin America’s longest cable-stayed bridge in BrazilZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFVariety‘In the Shadows’ Producers to Self-Release British Boxing Biopic Following Collapse of U.K. Distributor True Brit Entertainment (EXCLUSIVE)UN NewsWHO releases first global guidelines on child obesity as cases surgeTagesschauFrüherer BND-Präsident Hanning muss in Untersuchungshaft
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, October 7, 2026

Christa Pike na nakaligtas lethal injection, nagkamalay at nakakapagsalita na, ayon sa mga abogado

Translate

Nagkamalay at nakakapagsalita na si Christa Pike, ang bilanggo na nakaligtas sa bitay sa pamamagitan ng lethal injection sa Tennessee, USA noong nakaraang linggo, ayon sa kaniyang mga abogado nitong Martes.

Sa kabila ng matinding pinsala sa kaniyang mga braso, nakaposas sa kama si Pike, 50-anyos, na patuloy umanong tumatanggap ng critical medical care, ayon sa pahayag ng kaniyang mga public defense attorney.

Hinatulan ng kamatayan si Pike dahil sa kaniyang papel sa pagpapahirap at pagpatay sa isang kaklase tatlong dekada na ang nakalilipas.

Nakaligtas siya sa palpak na pagsasagawa ng lethal injection noong gabi ng Setyembre 30 sa Riverbend Maximum Security Institution sa Nashville, kabisera ng Tennessee. Mula noon ay nananatili siya sa ospital.

Bago ang araw ng pagbitay, nanawagan ang mga abogado ni Pike sa gobernador ng Tennessee na ibaba na lang sa habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa halip na bitay.

Giit ng abogado ni Pike, hindi nabigyan ng sapat na konsiderasyon sa parusa ang sarili nitong mga pinagdaanang trauma noong bata pa siya, kabilang ang sexual abuse, pagpapabaya, at hindi nagamot na sakit sa pag-iisip.

Labing-walong-taong gulang lang noon si Pike nang gawin ang karumal-dumal na krimen kasama ang nobyo.

Gayunman, natuloy pa rin ang pagbitay kay Pike pero pumalpak kahit dalawang dose ng kemikal na itinurok sa kaniya.

Mula sa pagiging unang babaeng sinubukang bitayin ng Tennessee sa loob ng mahigit 200 taon, si Pike ngayon ang unang taong naitalang nakaligtas sa Estados Unidos matapos mabigyan ng mga gamot para sa execution. – ulat mula sa Reuters/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.