Daily MaverickSPOTLIGHT: Mpox vaccine stock ‘will be deployed as needed’ as cases climb to 26The Jerusalem PostEisenkot: Netanyahu lacks majority, opposition bloc will repeal laws that ‘threaten democracy'Inquirer EntertainmentKatrina Johnson nixes idea of Miss International ‘archetype’Bollywood HungamaKartik Aaryan to headline Vivek Agnihotri’s Operation Sindoor? Here’s what we know!ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFColliderMatt Damon Officially Joins 'The Gilded Age' for Season 4VarietyJames Wan and Jason Blum Unveil New Company Name: Blumhouse AtomicRolling StoneCan Dems Actually Win the Senate? Here’s a State-by-State GuideThe Hollywood ReporterJason Blum and James Wan Rename Their CompanyDeadlineNetflix Orders ‘Prep’ YA Series Based On Book From ‘One Day’ EP Nicole Taylor & Gloria Sanchez Prods.BillboardAriana Grande Gives Another Peek at Her New Bob & Shares PDA Moments With Ricky AlvarezBusiness AMEuropa gaat winter in met laagste gasreserves in meer dan tien jaar
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 3, 2026

20-anyos na Indian national, patay nang mahagip at makaladkad ng tren ng PNR sa Laguna

Translate

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 20-anyos na Indian national na nasawi matapos siyang mahagip at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways sa Laguna.

Sa ulat ni Manny Vargas sa Super Radyo dzBB nitong Martes, sinabing nangyari ang trahedya sa kaninang umaga sa San Pablo City.

Sa impormasyon mula kay PNR General Manager Leo Miranda, galing umano sa Lucena, Quezon ang tren at papunta sa Calamba, Laguna nang mangyari ang insidente.

Samantala, nanggagaling naman umano sa isang tindahan ang biktima na may suot na helmet at hindi nito napansin ang paparating na tren.

Dahil malapit umano sa riles ang tindahan, nahagip nito ang biktima kahit na may kabagalan na ang takbo ng tren.

Nakaladkad ng tren ang biktima ng ilang metro na nagdulot ng matinding pinsala sa kaniyang katawan na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Sumuko naman sa pulisya sa Calamba ang sangkot na tauhan ng PNR sa nangyaring sakuna.

Tiniyak ng PNR na magkakaloob sila ng tulong na kakailangan para sa biktima, at ganoon din sa kanilang tauhan.

Babala: Sensitibong Balita Indian national, patay sa insidente sa isang tren ng @PNR_GovPH sa Laguna kaninang umaga. | via @VargasMannysen https://t.co/sQFhNEoGCh

— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 3, 2026
View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.