RTP DesportoLiga Europa. Torreense defronta Sunderland esta quinta-feira em LeiriaPunchPlayers like me, Yamal, Álvarez need more protection from referees – Vini JrESPNTransfer rumors, news: Martínez's future at Man United in doubt after bust-upThe Jerusalem PostRetired US military officers urge government to cancel livestream of Fort Hood shooter's executionDaily MaverickWHAT’S COOKING: Lemony Greek roast chicken and potatoesCNN TürkYönetmelik değişti! Taksitli alışverişte yeni dönemBollywood HungamaBREAKING: Jailer 2 ends with the promise of third part; Hrithik Roshan's massy special appearance has a Chulbul Pandey connection (Spoilers ahead)InquirerNBI chief dares Sara Duterte’s camp to file case over bias claimsZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioUOLSão Paulo deve ter chuva forte nesta quinta (15) após temporal matar uma pessoa na vésperaBusiness AMChina stuurt vliegdekschip Liaoning naar de westelijke Stille Oceaan, in de buurt van Japan en TaiwanSRF NewsNachfolge von Guy Parmelin – SVP-Nationalrätin Céline Amaudruz will Bundesrätin werden
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 15, 2026

Pastor, huli sa pangmomolestiya umano sa 3 menor de edad na anak ng kaniyang mga miyembro sa Marikina

Translate

Sa kulungan ang bagsak ng isang pastor dahil sa pangmomolestiya umano sa tatlong menor de edad na babae sa loob pa mismo ng kanilang simbahan sa Marikina.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing inaresto nitong Miyerkoles ang akusadong head pastor sa tapat ng isang clubhouse sa Baras, Rizal, sa bisa ng warrant of arrest mula sa Marikina Family Court Branch 7.

Sinabi ng pulisya na naganap ang pang-aabuso umano noong 2023 hanggang 2024, ngunit nitong taon lang nakapagreklamo ang mga biktima.

“‘Yung ating unang biktima po dito ay isang 8 years old. ‘Yung ating pangalawa pong biktima po dito isang 15 years old. At base du'n sa report nating nakalap po, nangyari po ‘yung insidente hindi lang po once kundi 4 times po. ‘Yung pangatlong biktima po natin ay 9 years old po," sabi ni Police Colonel Jenny Tecson, Chief ng Marikina City Police.

Sinabi pa ng pulisya na naganap ang pangmomolestiya umano sa loob mismo ng kanilang simbahan sa Marikina.

“Nagte-take advantage po siya sa mga menor de edad po accordingly po. Lahat po ito ay accordingly nangyari po mismo du'n sa loob mismo ng kanilang simbahan after na magkaroon sila ng preaching,” sabi ni Tecson.

Itinanggi ng akusado ang mga paratang sa kaniya.

“Ang laki-laki ng church eh. Kitang kita ‘yun. Ang luwag-luwag at maraming tao,” sabi ng pastor, na naghinalang malalim ang galit sa kaniya ng mga magulang ng mga biktima at ilan pang miyembro.

“Personal na eh. Sa galit. Forgive then you will be forgiven. Forgive us Lord as we forgive those who trespass against us. Nakakalungkot lang, they are my friends,” sabi ng pastor.

Nahaharap ang akusadong pastor sa apat na count ng kasong statutory acts of lasciviousness, at nakakulong sa Marikina City Police Custodial Facility. May inirekomendang piyansa sa kaniya na P432,000.

Sinusubukan pa ng GMA News na kunan ng pahayag ang kampo ng mga biktima. —Jamil Santos/VBL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.