The Jerusalem PostIranian leaders believe renewed US strikes are inevitable, warn Washington against attackingESPN DeportesBrewers y su bullpen, el arma secreta para aspirar a la Serie MundialRTP DesportoGoverno distingue carreira de Toni com Medalha de HonraESPNLive updates: PSG on top at Man City, Madrid trail in Rome, Liverpool hit 6Daily MaverickLOCAL ELECTIONS 2026: Cosatu breaks with exclusive ANC support to back left-wing ‘super pact’ZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioConsequenceZach Bryan Announces 2027 “Young Manhood and Other Donatable Organs Tour”Collider'Lanterns' Season 2 Fate Officially Revealed [Exclusive]CBS News911 call shows Hayden Panettiere was given CPR on day she diedComplete SportsHe Is Not Going Anywhere –Mourinho Shuts Down AC Milan’s Pursuit Of EndrickABC News (Australia)Live: ASX to open lower following losses on Wall Street as US inflation data dropsRadio-CanadaDémantèlement d’une piste cyclable à Toronto : une arrestation
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, October 14, 2026

Babaeng 'di umano nagpautang ng P1,000, pinatay at ginahasa ng 2 katrabaho sa Talisay City

Translate

Nakasilid sa sako nang matagpuan ang bangkay ng isang 33-anyos na babae na malapit sa pinagtatrabahuhan niyang manukan sa Talisay City, Negros Occidental. Ang suspek sa krimen, ang dalawa niyang katrabaho na nagturo pa sa kinaroroonan ng biktima.

Sa ulat ni Eileen Pedreso sa GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Miyerkoles, sinabing limang araw nang nawawala ang biktima na nagtatrabaho bilang labandera sa manukan.

Ayon sa pulisya, dalawang lalaki na edad 34 at 44, na mga empleyado rin sa manukan ang nagbigay ng impormasyon sa pagkakatuklas sa bangkay ng biktima.

Ngunit nagduda ang awtoridad sa dalawa at itinuring na persons of interest sa kaso dahil sa kaduda-duda nilang mga pahayag.

Nang isalang na sa imbestigasyon, doon na umano umamin ang dalawang lalaki na pinatay at pinagsamantalahan nila ang biktima.

Ang hindi umano pagpapautang sa kanila ng biktima ng P1,000 ang dahilan kaya nila ito pinatay noong Oktubre 8, ayon pa sa pulisya.

Inamin din umano ng mga suspek na gumagamit sila ng ilegal na droga.

Inihahanda na ang kasong murder na isasampa laban sa mga suspek, na hindi na nagpaunlak ng panayam.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.