Mga Pinoy, hinikayat na mag-half rice muna para maiwasan ang pagsasayang ng kanin o bigas

Hinikayat ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute ang mga Pinoy na mag-half-rice muna para maiwasan ang pagsasayang ng kanin o bigas.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ni DA-PhilRice Deputy Executive Director for Development, Dr. Karen Eloisa Barroga, na bahagi ito ng kanilang adbokasiya na “Be RICEponsible” para sa National Rice Awareness Month.
Hinihikayat ng ahensiya ang publiko na kainin o lutuin lamang ang sapat na kanin ayon sa pangangailangan.
Naniniwala ang PhilRice na maiiwasan ang rice shortage o pagsasayang at pagtatapon ng bigas sa pamamagitan ng pagsusulong ng half-rice.
Isinusulong din ng ahensiya ang pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka, at ang pagpili ng mga Pinoy sa mas masustansiyang klase ng bigas. – Jamil Santos/FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.