ESPNWomen's boxing pound-for-pound rankingsRTP Desporto12h30m Benfica prepara mudanças em MilãoPunchAiyedatiwa gives kidnappers, criminals 14 days to leave Ondo forestsDaily MaverickNews helicopter crashes in Los Angeles, killing threeThe Jerusalem PostLapid calls on Netanyahu to convene defense budget committee, release NIS 11b. to IDFוואלהנשיא קוסובו לשעבר האשים תאצ'י נידון ל-25 שנות מאסר בגין פשעי מלחמהسكاي نيوز عربيةبعد تجدد الدعوات.. السيسي يؤكد موقف مصر من تهجير سكان غزةBellaNaija#BN20: A Template for African ExcellenceScreen RantA Talent For Murder Review: Helen Mirren Leads A Mind-Bending, But Rather Thrill-Less, Thriller [TIFF]RMF24Złoty kamień milowy i wielki mit. Dokąd naprawdę prowadziły rzymskie drogi?VanguardSaudi says Houthis target Mecca, warns of ‘red line’The IndependentNoah Woods missing latest: First CCTV images released of boy, 3, as father issues fresh plea on search
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, September 16, 2026

Ilang nagpo-protesta, nagtipon-tipon sa labas ng ICC; ikatlong status conference sa kaso vs ex-Pres. Duterte, isinagawa

Translate

Sa ikatlong status conference ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber bago ang pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang grupo ng mga Pilipinong manggagawa at naninirahan sa Netherlands nitong Miyerkoles (oras sa Pilipinas).

Panawagan nila sa mga Dutch at maging sa ICC, ituloy ang pagdetine kay Duterte. Anila, naging inspirasyon sa buong mundo ang paglilitis sa dating pangulo na itinuring umano ang sarili bilang "untouchable".

Ang ibang grupo naman, ginamit ang pagkakataon para ipanawagan ang pag-convict kay Vice President Sara Duterte, na anak ni Rodrigo, na nililitis ng Senate impeachment court sa Pilipinas.

Inihayag naman ng mga tagasuporta ng dating pangulo, na iilan lang ang nakapunta sa tapat ng ICC ngayong araw ng status conference.

Ayon sa isa sa kanila, wala silang nakaplanong aktibidad ngayong araw, pero nakapasok siya at ilan pang kasama sa loob ng ICC para panoorin ang pagdinig.

Kalahating oras bago ang itinakdang oras ng pagsisimula ng ICC Trial Chamber para sa status conference, wala pa ring impormasyon kung haharap sa pagdinig ang nakatatandang Duterte.

Hindi pa isinasapubliko ng ICC Registry ang anumang dokumento patungkol sa maaaring waiver ng depensa, gayundin ang oposisyon dito ng prosekusyon at abogado ng mga drug war victim.

Pero nang idaos na ang pagdinig, nakitang dumalo si Duterte, at muling nasilayan ng publiko matapos ang mahigit isang taon matapos siyang madetine sa ICC.

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.

Ilang nagpo-protesta, nagtipon-tipon sa labas ng ICC; ikatlong status conference sa kaso vs ex-Pres. Duterte, isinagawa — KioskNews