6 na taong gulang na babae patay matapos ma hit and run ng SUV sa Baseco, Manila

Anim na taong gulang na babae patay matapos ma hit and run ng isang SUV sa Baseco, Manila, ang driver ng SUV, arestado.
Walang katumbas na salita ang sakit na nararanasan ngayon ng 25 taong gulang na Nanay ng Grade 1 student na si Jasmera na namatay matapos umanong ma hit and run ng isang SUV sa Baseco, Maynila ng October 30.
Sa kuha ng CCTV, makikita ang anim na taong gulang na biktima na naglalaro sa gilid ng kalsada sa bahagi ng 2nd Street.
Maya-maya, isang itim na SUV ang biglang kumanan at nagulungan ang biktima.
Sa isa pang anggulo ng CCTV, kita na bahagyang pumreno pa ang SUV pero dumiretso rn at hindi hinintuan ang nakahandusay na si Jasmera.
Ayon sa NAnay ng biktima, kasama niyang nagtitinda ng mani ang anak.
Nagutom raw ang bata kaya sandali siyang umalis para bumili ng pagkain sa kanto.
Pero, pagbalik niya, nakahandusay na si Jamera.
"Kaisa isang anak lang po namin yun, hindi na po mababalik yun sir eh kahit sabihin na magbabayad sila, buhay po yun, lalo na tulad sakin may sakit po ako hindi na po ako magkakaroon ng anak," ayon sa Nanay ng biktima.
"Aminado po siyang nasagasaan niya yung anak ko. Ang masaklap don, nabunggo na niya ng isang gulong, sinundan pa po niya ng isang gulong."
Naisugod pa ng kanyang Lola si Jasmera sa ospital pero hindi na siya umabot ng buhay.
Habang ang SUV na palabas na sana ng Baseco, naharang nga mga tauhan ng Manila Police District.
"Isang concerned citizen ang nagmamaneho ng motorcycle ang humabol sa sasakyan," sabi ni Police Major Joel Aquino.
"Taga Baseco ito pong suspek, ang impormasyon po natin, ito po ay dating presidente ng TODA dun mismo sa Baseco din po."
Ayon din kay Aquino, negative sa alcohol intoxication ang driver na suspek.
Lalo raw hindi matanggap ng pamilya ng biktima ang nangyari nang makausap nila ang kampo ng suspek.
"Hindi daw po sila natatakot makulong kasi 60k lang daw po yung piyansa," sabi ng Nanay ng biktima.
"Bilang magulang masakit po yun eh," dagdag niya.
Itinanggi naman ito ng driver ng SUV.
Iginiit din ng 41 taong gulang na suspek na hindi niya napansin ang biktima at hindi rin daw niya tinakbuhan ang bata.
"May humps don at lubak lubak yung kalsada na yun. Ang nasa isip ko noon, humps," ayon sa suspek.
"Actually, magpapa massage ako, kasi masakit yung dito ko sir eh noong time na yun."
"Hindi po ako mayaman. Paano ako gagalaw eh nandito pa po ako sa kulungan," sabi ng suspek.
Na inquest na ang driver ng SUV na nahaharap sa reckless imprudence resulting in homicide.
HAbang nailibing na ang mga labi ni Jasmera sa Norzagaray, Bulacan. — BAP GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.