OPINION: Ask Atty. Gaby: DSWD award scam

Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa hirap ng buhay, marami pa rin ang umaasa sa ayuda at iba pang tulong ng gobyerno lalo na mula sa DSWD.
Pero paano kung pati ‘yan, gamitin din sa pananamantala?
Sa Ermita, Manila, arestado ang isang babae na ginagamit umano ang DSWD sa kaniyang pang-ii-scam.
Ang modus, gumagamit ng pekeng mga dokumento ang suspek at nag-iikot para makalikom ng libo-libong pera.
Nagpapanggap umanong tauhan ng DSWD ang suspek at sinasabing may kontrata siya sa DSWD gamit ang pekeng notice of award para makahanap ng investor.
Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Ask me, ask Atty. Gaby!
Atty., ano ba ang sinasabi ng batas sa ganitong modus na nanloloko at ginagamit pa ang pangalan ng ahensya ng gobyerno?
Sa mga ganitong sitwasyon, mga Kapuso, maaaring magkaroon ng pananagutan sa ilalim ng Revised Penal Code. Itong panloloko na ito ay estafa sa ilalim ng Article 315 ng nasabing batas at ito specifically ay ang estafa through deceit and false pretenses.
Pinarurusahan ang panlilinlang na nagawa sa pagpapanggap na may kapangyarihan, impluwensiya at iba pang imaginary transactions.
Ang twist dito ay mukhang gumawa pa yata ng mga pekeng dokumento na mukhang official public document.
Kung ginawa ang pekeng dokumento para maisagawa ang krimen na ito, maaaring ang krimen ay isang special complex crime ng estafa through falsification of a public document.
Sa ilalim ng Article 48 ng Revised Penal Code, ang complex crime na ito ay magreresulta sa pag-iimpose ng maximum na penalty na binibigay ng batas. Complex crime siya kung kinailangan talaga ang pekeng kontrata na ito para makumbinse ang mga tao na “mag-invest” ng pera nila.
Of course, kung nauna ang paggawa ng pekeng kontrata para sa ibang purpose, ang pamemeke na ito ay by itself a separate crime of falsification of a public document sa ilalim ng Article 172 of the Revised Penal Code. Pero kung ito nga ay necessary to commit the crime of estafa, complex crime ito at hindi hiwalay na kaso.
Pero in the end, isa lamang ang resulta – isang pananagutan sa ilalim ng batas na malamang ay kulong ang magiging ending.
Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip. Ask me, ask Atty. Gaby!
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.