Humanoid robot, puwedeng rentahan per hour para maglinis ng bahay

Sa Amerika, isang kompanya ang nag-aalok ng serbisyo para maglinis ng bahay. Pero sa halip na tao, humanoid robot ang gagawa ng mga gawaing bahay.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing nagagawa ng robot ang iba't ibang paraan ng paglilinis sa pamamagitan ng teleoperation.
Kaya umano nitong linisin ang iba’t ibang parte sa bahay, gaya ng sala, kusina, at maging ang banyo.
Maaaring rentahan ang humanoid robot sa halagang US$30 o katumbas ng nasa P2,000 kada oras.
Gayunman, aminado ang gumawa ng mga robot na iba pa rin ang bilis at detalye ng paglilinis ng isang tao. Patuloy naman daw na pinapahusay ang gawain ng mga robot sa tulong ng human demonstration.
Paglilinaw din nila, hindi pamalit sa tao ang mga humanoid robot, at sa halip ay mga katuwang lamang sila para mapadali ang mga gawain sa bahay.—FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.