ESPNTransfer rumors, news: Premier League clubs eye Alexander-Arnold amid Real Madrid uncertaintyInquirerGeneral Santos City heat index hits 55°C Tuesday morningThe Jerusalem PostManhunt launched as suspect flees scene of attempted ramming of police officer near Modi'inRTP DesportoCarlos Vicens despedido do Sp. BragaPunchPolitical elite do not believe in free, fair elections – Ex-INEC commissionerZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFNHK 社会遺体なき傷害致死事件 夫に懲役12年6か月の判決 大阪地裁n-tvZinsen mehr als vervierfacht: Wenn der Immobilienkredit plötzlich 150.000 Euro mehr kostetDaily MaverickBANA PELE: ECD subsidy expands as government races to close SA’s one-million-child gapABC NewsMidterm vote is about 'what's best for my family': Voters talk 2026 midtermsNOSMan opgepakt voor brand in stadhuis Limoges, is bekende van Franse politieAntara NewsIndonesia pushes universities to accelerate net-zero transition
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 20, 2026

Mga Duterte, walang kinalaman sa bigong drug shipment mula sa Laos, ayon kay Sec. Jonvic Remulla

Translate

Sinabi ng kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang kaugnayan ang pamilya Duterte sa tangkang pagpupuslit ng ilegal na droga mula Laos at patungong Mindanao.

“None,” sagot ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa GMA News Online nang tanungin kung may kinalaman ang pamilya Duterte sa tangkang pagpapasok ng ilegal ng droga.

Ipinatawag ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (PNP-CIDG) ang 21 katao upang hingan ng impormasyon kaugnay ng tangkang pagpupuslit ng 521 kilo ng shabu na mula sa Laos at isasakay sa isang private plane.

Pero hindi na nakaalis ng Laos ang eroplano matapos itong maharang ng mga awtoridad doon.

Posible pang magpatawag ng iba pang tao ang pulisya kaugnay ng nasabing usapin, ayon kay PNP spokesperson Col. Allen Rae Co.

Nauna nang tinukoy ni Remulla ang dating miyembro ng Bangsamoro Parliament na si Edriezan Hadji Nasser Rimbang, bilang politiko sa Mindanao na umano'y sangkot sa tangkang pagpupuslit sa Pilipinas ng shabu mula Laos na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Rimbang tungkol sa paratang.

Sa isang press briefing, sinabi ni Remulla na bagama't walang ebidensiyang nag-uugnay sa pamilya Duterte sa naturang kargamento ng droga, matagal nang kakilala ng ilang miyembro ng pamilya Duterte si Rimbang.

Kinuwestiyon din ng kalihim ng DILG kung bakit hindi isinama si Rimbang sa drug watch list noon ng administrasyong Duterte.

“Magkakilala lang sila. Rimbang ran in the same party. They are more than friends. They have been political allies for the longest time,” ani Remulla.

“Ang ipinagtataka ko lang kung bakit noong drug war, hindi kasama si Rimbang sa watchlist kung known drug element na siya dati pa?” dagdag niya.

Ginawang halimbawa ni Remulla ang kaso ni DILG Undersecretary Jed Mabilog, dating alkalde ng Iloilo City, na isinama sa drug watch list kahit wala naman umano itong kinalaman sa ilegal na droga.

“So nakikita niyo yung difference. Bakit si Rimbang hindi sinama sa listahan? Bakit si Mabilog isinama? Yung isa walang kinalaman, yung isa obviously may kinalaman,” sabi ni Remulla.

Inakusahan din ni Remulla si Rimbang na nagbayad umano kay Police Master Sergeant Aileen Jane Manalo Mendoza para sa landing rights at paggamit ng isang pribadong hangar kung saan lalapag sana ang eroplanong may dalang kargamento ng droga mula Laos noong huling linggo ng Setyembre.

Ayon kay Remulla, si Capt. Rioklyn Toledo, na kilala rin sa alyas na “Boyet,” umano ang kumuha sa pribadong eroplano at nag-ayos upang bumiyahe ito mula Malaysia patungong Laos.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.