ESPNBriefcases, ladders and chaos: Your guide to WWE Money in the BankESPN Deportes¿Qué necesita tu equipo de NBA? El mayor hueco en cada plantillaThe Jerusalem PostMiddle Israel: Remember October 7 by building a stronger western Negev - opinionDaily MaverickLOCAL ELECTIONS 2026: High court orders ANC to reinstate Andile Lungisa after unlawful removalInquirerSenate takes down impeachment livestream after data privacy concernsRTP DesportoFC Porto com prejuízos de mais de 20 milhõesZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFConsequencePhoebe Bridgers Reunites with boygenius for A24’s Sound Check at Cherry Lane Theatre Series: WatchGolem.deCyberangriffe auf Banken: Hacker nutzt KI und hinterlässt AccountdatenSRF NewsLehrer, Vater, Sportler – Wenn andere aufgeben, fängt Giuseppe Palaia erst anBillboardFuerza Regida Talk Street Mob Records, A&R & Their Stadium Tour | Billboard Cover Interview7sur7L’épisode El Niño atteint son niveau record
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 9, 2026

LTO, naglabas ng SCO vs lady rider na may angkas na batang hirap maabot ang foot peg ng motorsiklo at walang helmet

Translate

Naglabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa rehistradong may-ari at rider ng isang motorsiklong nahuli-cam na may angkas na bata na hirap maabot ang foot peg at wala pang helmet.

Sa inilabas na pahayag ng LTO, nakasaad na base sa video na nakalap ng ahensya, makikita ang naturang motorsiklo na bumibiyahe kasama ang isang batang babae na walang suot na helmet at nahihirapang maabot ang foot peg ng motorsiklo.

Ayon sa LTO, maaaring malagay sa panganib ang angkas na bata habang bumibiyahe sa lansangan.

Inatasan ang may-ari at rider na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office, East Avenue, Quezon City, sa Oktubre 13, 2026, upang magsumite ng sinumpaang salaysay at mga kaukulang orihinal na dokumento bilang tugon sa mga alegasyon kaugnay ng insidente.

Isasailalim din sa 90-araw na preventive suspension ang driver’s license ng naturang rider at inatasan siyang agad itong isuko sa IID para sa kaukulang proseso.

Kabilang sa mga paglabag na tinukoy sa SCO ang Safety of Children Aboard Motorcycles, Mandatory Use of Motorcycle Helmets, Reckless Driving, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Maaari pa umanong matukoy ang iba pang pananagutan ng rider habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng ahensya.

Samantala, isasailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver’s license ng naturang rider at inatasan siyang isuko ito sa IID. Inilagay na rin sa alarm ang naturang motorsiklo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“Hindi dapat isinasantabi ang kaligtasan ng bata para lamang maipagpatuloy ang biyahe. Responsibilidad ng bawat rider na tiyaking ligtas ang kanilang angkas, lalo na kung bata ang sakay,” ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus Lacanilao.

“Kung hindi kayang maabot ng bata ang foot peg at wala pa itong helmet, malinaw na nalalagay sa panganib ang kaligtasan nito. Kailangang maging responsable ang bawat rider at tiyaking nasusunod ang mga alituntunin bago bumiyahe,” dagdag ng opisyal. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.