CNN TürkSON DAKİKA... Bakan Yumaklı'dan 'pestisit' açıklaması: AB Komiserine istatistikleri gösterdimSky TG24Nord Sud Ovest Est, stasera il sesto episodio della serie sugli 883InquirerMarbled monitor lizard rescued, released into wild in BatanesThe Jerusalem PostTrump could woo North Korea after midterm setback, but Kim may not respond - analysisPunchDavido had no role in Naira Marley, VDM Mohbad saga — AideBollywood HungamaRanveer Singh’s Pralay shoot sparks BIG controversy at Mumbai’s Azad Maidan; Under-14 and Under-16 cricket matches POSTPONED; MCA FUMES over disruptionZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioBusiness AMFranse autobouwer Renault en Belgisch defensiebedrijf John Cockerill bouwen samen militaire robotsGIGAZINE総カロリー1579kcal&総重量513gで圧倒的ガーリック臭が炸裂する「ギルティ ザ・ワンパウンダー」をバーガーキングで食べてきたRapplerFACT CHECK: Marcos didn’t say earning P96 a day means Filipinos aren’t poorThe Straits TimesCheating charges handed to man who allegedly claimed he was tortured, forced to make scam callsHet Laatste NieuwsAchter de schermen bij de nieuwe generiek van ‘Familie’: “De verhalen na 35 jaar op? Er ligt nog stof voor jaren klaar”
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, November 6, 2026

Motovlogger-racer, sugatan nang pagbabarilin sa loob ng kaniyang motorcycle shop; 4 na suspek, tinutugis

Translate

Sugatan ang isang motovlogger-racer matapos siyang pagbabarilin sa loob mismo ng kaniyang motorcycle shop sa Sitio Parugan, Antipolo City. Apat na suspek ang tinutugis sa krimen.

Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing nadatnang duguan at nakahandusay ang biktima sa kaniyang motorcycle shop matapos pagbabarilin nitong Huwebes.

Mga nakasuot ng itim na helmet at uniform ng isang ride-hailing app ang mga lalaking salarin.

Batay sa salaysay ng isang saksi, biglang dumating ang mga suspek sa shop na mistulang mga customer, hanggang sa narinig nila ang pag-alingawngaw ng mga putok ng baril.

“May dalawang motor, tapos may angkas na apat. Parang simpleng tao lang na nagpapagawa. Pumasok sa shop. Maya-maya, may narinig na kami putok, apat na beses. Maya-maya, wala nang nagawa 'yung mga tao rito sa labas,” sabi ng saksi.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan, partikular sa kaniyang leeg.

Tumakas ang apat na suspek papuntang E. Rodriguez Avenue.

Kalaunan, isang residente ang tumulong sa biktima at dinala siya sa ospital. Rumesponde rin ang barangay.

Nananatiling blangko mga awtoridad sa motibo sa pamamaril.

“Posible pong sa negosyo dahil ang negosyo po nu’ng biktima ay sa mga piyasa po ng motor,” sabi ni Ferdinand Cendaña, BPSO ng Barangay San Jose, Antipolo City.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ang insidente, at nagkasa na rin ng drug net operations sa ikadadakip ng mga salarin.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang biktima. — Jamil Santos/RSJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.