The Jerusalem PostBoy George announces second concert in Israel dedicated to Nova music festival survivorsCNN TürkTürkiye otomotiv ihracatı 9 ayda 31,1 milyar dolara ulaştıESPNThrough Dak Prescott's eyes: The Cowboys QB breaks down a play and all he seesPunchFirst Niger Bridge set to reopen soon – Federal controllerBollywood HungamaRhea Chakraborty launches ‘Caught Blushin’ with Staze Beauty, inspired by her viral The Traitors lookInquirerWalang pasok: Earthquake prompts work, class suspensions in GenSanCollider‘Twilight’ Star Jackson Rathbone Rejects “Soulless” AI-Generated Art [Exclusive]ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFSouth China Morning PostIndia aims to anchor military ties with US as Indo-Pacific ‘resident power’Sky TG24L'esorcista: Martiri, il teaser trailer dell'horrorThe South AfricanTransfer boost: Bafana star wins award as England, Spain, Germany, France and Italy watchThe IndependentThree sisters who drowned off Brighton beach took their own lives, coroner rules
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 8, 2026

Kapitan, sugatan nang saksakin ng nagwawalang babae sa Antipolo

Translate

Nagtamo ng mga sugat ang isang 65-anyos na barangay chairman matapos siyang masaksak ng isang babaeng huhulihin sana niya dahil sa pagwawala at panggugulo sa Antipolo City. Ang suspek, may nauna nang nasaksak na kaibigan dahil umano sa droga.

Sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nasaksak sa tagiliran ang kapitan sa Barangay Dela Paz, Martes ng gabi.

Pinagtulungan siyang bigyan ng pangunang lunas.

Bago nito, nanggugulo umano ang 33-anyos na babaeng may dalang patalim. May nauna nang nasaksak ang suspek na isang babaeng kaibigan umano niya na kaniyang nakaalitan.

Lumabas sa imbestigasyon na lasing ang suspek nang maganap ang insidente. Gumagamit din umano siya ng ilegal na droga.

“Ang babae ay may dalang kutsilyo at nagwawala doon sa gitna ng kalsada. So, 'yung mga tao na gustong dumaan, hindi makadaan dahil natatakot. Biglang tumalikod siya, doon ako nagkaroon ng pagkakataon para kunin 'yung kutsilyo o hawakan siya,” sabi ni Froilan de Belen, chairman ng Barangay Dela Paz.

“Kaya lang ho, sa hindi inaasahan, ang bilis ng pangyayari, nailagay niya sa kanang kamay 'yung kutsilyo at naisaksak niya sa akin,” pagpapatuloy niya.

Nadakip ng mga barangay tanod ang babae, habang narekober ang nasa walong pulgadang patalim.

Pagdating sa estasyon ng Antipolo Police, nagwawala at hindi makausap nang maayos ang suspek.

Sa panayam sa GMA News, sinabi ng babae na nasaksak niya ang kaniyang kaibigan nang pagbantaan siya matapos siyang tumanggi na magtulak ng ilegal na droga.

“Papatayin daw niya ako. Siguro po dahil nakainom ako, hindi ko po napigilan. Kaya 'yun nagawa ko na saktan siya,” sabi ng babaeng suspek.

Dagdag niya, hindi naman niya sinasadya na masaksak ang umaawat na barangay chairman.

“Lasing po ako. Hindi ko po 'yun sinasadya. Wala po akong intensyon. Hindi po ako gumagamit ng ganu’n (ilegal na droga). Tsaka saksi lang po ako sa ganu’ng bagay. Pero 'yung nasaksak ko, nagbebenta, nagtulak po, at gumagamit rin po ng droga,” sabi niya.

Nahaharap ang suspek sa mga reklamong alarms and scandals, direct assault, at City Ordinance No. 2025-1156.

Sinusubukan pa ng GMA News na kunan ng panig ang babaeng nasaksak na kasalukuyang nagpapagaling. — Jamil Santos/VBL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.