ESPNBroncos' striking resemblance to Denver's last Super Bowl winnersPunchNorth Korea women thrash Bangladesh 10-0 in Asian Games openerInquirerManibela asks Marcos for jeepney fare hike on his birthdayDaily MaverickReimagining agricultural education as AI transforms farming and future jobsוואלה7 שנות מאסר לסייעת בגן ילדים בנתניה שהורשעה בהתעללות ב-12 פעוטותRTP DesportoDjokovic fora do top 10 ATP, Zverev ameaça SinnerThe Jerusalem PostIsrael's oldest Holocaust survivor dies at at 107 on Rosh HashanahUOLNo 1º turno, Lula sobe para 42% e Flávio Bolsonaro cai a 37%, mostra pesquisa BTG/NexusColliderOne of the Greatest Sci-Fi Books of the 21st Century Is Under 200 PagesХабрПриз за то, чего вы не сделали: соревнование по кибербезопасности для тех, кто не пишет кодکیهان لندن«توافق دفاعی مکه» موش زائید؟! چشم امید بن‌سلمان به حمایت اسرائیلThe Hollywood Reporter‘Sunday in the Park With George’ Revival Scrapped After Ariana Grande and Jonathan Bailey Exit
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, September 14, 2026

Batang babae na bibili ng biskwit sa tindahan, nasawi matapos magulungan ng SUV sa Pasig

Translate

Nasawi ang isang batang babae na apat na taong gulang lang matapos siyang mabangga at masagasaan ng isang sports utility vehicle sa Pasig City. Ayon sa ina ng bata, pinayagan niyang umalis ang anak nang magpaalam ito na bibili ng biskwit.

Sa ulat ni EJ Gomez sa GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing nangyari ang kalunos-lunos na insidente sa Barangay Bambang noong Huwebes ng hapon.

Sa kuha ng CCTV camera, makikita ang pagtawid ng bata sa hindi naman kalakihang kalsada, at tumigil pa dahil may dumaan na motorsiklo sa kaniyang harapan.

Pagdaan ng motorsiklo, tumakbo ang bata pero nasa kabilang bahagi naman ng daan ang SUV at doon na siya nabangga at nasagaan.

Humandusay sa daan ang katawan ng biktima habang dumiretso pa sa pagbiyahe ang SUV.

Ilang saglit lang, nagkagulo na ang mga tao sa lugar, at dumating din ang umiiyak na ina ng bata.

Ayon kay Joey Bautista, security officer ng barangay, may humabol sa SUV para ipaalam na may nasagasaan siyang bata kaya ito tumigil.

Bumalik naman ang driver ng SUV sa lugar na pinangyarihan ng insidente at isinakay nito ang bata para madala sa ospital.

Ayon sa ina ng bata, sa ospital na pumanaw ang kaniyang anak.

Umiiyak niyang ibinahagi na pinayagan niya ang anak na lumabas at bumili ng biskwit dahil nagugutom umano ito.

Sinabihan umano niya ang anak na huwag lalayo pero hindi niya inakala na mangyayari ang trahediya sa napakaigsing sandal lamang.

“Sabi niya bibili siya ng biskwit. Sabi ko, ‘Sige, diyan lang, huwag kang lalayo. Tapos ayun, minuto lang ang tinagal ganun na ‘yung nangyari. Sobra-sobra ‘yung sakit,” emosyonal na pahayag ng ginang.

Ayon kay Bautista, nasakto na may humps sa kalsada kaya hindi umano napansin ng driver ang bata nang umangat ang unahan ng SUV.

Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang driver ng SUV, sabi pa sa ulat

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. – FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.