Daily MaverickBAIL DENIED: ‘Dangerous pattern’: Shadrack Sibiya denied bail over threats and wiped cellphoneESPNStrength of schedule (SOS) cheat sheet: Every team's ratings for the rest of seasonThe Jerusalem PostHow to vote in Israel: A guide for the first-time voter ahead of the Knesset elections - explainerESPN DeportesChivas enfrenta tercera crisis de resultados en era MilitoInquirerPhilHealth expands access to anti-TB medicines via GAMOTPunchLagos can’t fund Fourth Mainland Bridge alone, says HamzatBollywood HungamaMika Singh DEFENDS Daler Mehndi amid Uttarakhand event controversy, reveals he had a big operation recently: “Have you ever seen a glass of alcohol in his hand”Screen RantNintendo Switch Sports Resort Review - 12 Sports For The Whole Family
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 20, 2026

Buong piso wifi machine na may laman na P4k na barya, tinangay ng mga kabataan sa Aklan

Translate

Nahuli-cam ang ginawang pagtangay ng apat na kabataan sa isang piso wifi machine na naglalaman ng aabot sa P4,000 na barya sa Numancia, Aklan.

Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa GTV News Balitanghali nitong Martes, mapanonood sa CCTV camera na saglit na huminto ang pagnanakaw ng mga lalaki sa Barangay Aliputos dahil sa tahol ng mga aso.

Makaraan ang ilang saglit, tumiyempo ulit ang mga lalaki at nagpatuloy sa target nilang makina.

Natanggal ng dalawa ang makina saka ito pinukpok para kunin sana ang mga barya.

Ngunit nagmadali ang mga kabataan at tinangay na lang nila ang buong makina.

Makaraan ang ilang oras, natuklasang inabandona na ito ng mga kawatan at kinuha ang abot sa P4,000 na barya.

Kinabukasan sa Barangay Poblacion, isa na namang piso wifi machine ang pinuntirya nila.

Nawasak man ang makina, natigil ang pagnanakaw dahil sa pagdaan ng mga tao.

Nadakip sa bayan ng Kalibo ang apat na kawatan, at natuklasang nakaw din ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Posibleng maharap sa kaukulang reklamo ang mga kabataan na edad 14 hanggang 16, depende sa magiging resulta ng assessment ng social worker. – Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.