17-anyos na rider na paakyat ng Antipolo, patay nang sumalpok sa poste
_2026_09_26_21_32_45.jpg)
Patay ang isang 17-anyos na rider na paakyat sana ng Antipolo matapos siyang sumalpok sa isang poste sa Barangay San Roque, Antipolo.
Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing nangyari ang insidente sa kahabaan ng Cabrera Road.
Sinabi ng mga awtoridad na sa ibang pangalan nakarehistro ang minamaneho nitong motorsiklo.
Lumabas sa imbestigasyon na nawalan umano ng kontrol ang biktima sa motorsiklo kaya siya sumalpok sa poste.
Tumangging magbigay ng panig ang pamilya ng biktima. — Jamil Santos/VBL GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.