Daily MaverickLIVING NIGHTMARE: QwaQwa residents battle 10-year water, electricity outage ‘nightmare’ESPN DeportesSuiza excluye a Xhaka por cartilla de vacunación falsaוואלהשר האוצר האמריקני: חברות התעופה האיראניות עלולות להיות מנותקות מפעילות בינלאומיתThe Jerusalem PostKurdish Peshmerga completes its long process of unification - explainerESPNSaints LT Banks to undergo ankle surgery, out indefinitelyColliderThe Stars of Netflix's 'Gilmore Girls' Replacement Officially Break Silence Over Shock CancellationХабрМечтает ли трехмерный андроид о четырехмерных овцах?CNN بالعربيةمعركة قانونية جديدة.. شبكات إخبارية تتحدى قرار ترامب بسحب تصاريحها الصحفية من البيت الأبيضANSA'La guerra in Ucraina deve finire', il monito di TrumpTechCrunchOpenAI forms math advisory group as its AI resolves more than 100 open problemsEuronewsPearly Kings and Queens bring London’s Cockney tradition to lifeRFI 中文特朗普要买白俄罗斯钾肥, 立陶宛要继续制裁白俄罗斯
The Daily Newsstand · Free, Always
Monday, September 21, 2026

Isa sa mga pinakadelikadong uri ng langgam sa mundo na Little Fire Ants, nasa Pilipinas na?

Translate

Maliit man sa paningin, hindi naman daw puwedeng ismolin ang maaaring maging masamang epekto sa ecosystem ng mga Little Fire Ants, na isa sa mga pinakadelikadong langgam sa mundo. Pero totoo nga bang nakarating na sila sa Pilipinas? Alamin.

Sa nakaraang episode ng “Dami Mong Alam, Kuya Kim!,” sinabing aksidenteng natuklasan ang mga Little Fire Ants habang nagsasagawa ng pagsusuri ang ilang eksperto sa kabundukan ng Iligan City.

Dalawang barangay sa naturang lungsod ang kumpirmado umanong nakitaan ng mga Little Fire Ants, na isa sa mga pinaka-agresibo at invasive na langgam sa mundo.

Ayon kay Kuya Kim, may malaking silbi rin naman ang mga langgam sa kalikasan katulad ng pagkain nila sa mga patay na insekto, hayop, o iba pang organic matter na nakakatulong sa decomposition.

Nakakapag-ambag din sila sa pagpapalago ng lupa sa pamamagitan ng ant tunnel na kanilang ginagawa. May mga uri din ng langgam na nagkakalat ng binhi o halaman para tumubo sa ibang lugar.

Sa buong mundo, tinatayang mahigit 20,000 ang species ng langgam, at mahigit 500 nito ang makikita sa Pilipinas.

Tinawag naman na Little Fire Ants ang mga kinatatakutang langgam na ito dahil sa bukod sa maliliit sila, sobrang sakit din nilang “mangagat” na parang nakakapaso.

Native, o nagmula ang mga ito sa Central at South America pero kumalat na rin sila sa Africa, North America, Taiwan, at multiple Pacific islands.

Tinatawag na invasive ang isang species kapag nakapasok sila sa isang lugar na hindi sila native, o hindi niya pinagmulan. Mula rito, magkakaroon sila ng kakayahan na magparami, kumalat, at magkaroon ng masamang epekto sa kalikasan, ekonomiya, agrikultura, at maging sa aktibidad ng mga tao.

Magiging makakompetensiya rin sila sa pagkain at tirahan sa ibang native species na mga hayop o insekto na nandito sa Pilipinas, na maaaring mauwi pa sa pagkaubos o pagkawala ng native species.

Nitong nakaraang 2025, aksidenteng nadiskubre ang species ng Little Fire Ants sa Iligan City.

Ayon kay April Rose Monding, nakakita sa naturang mga langgam, may mga dayuhang bisita na collaborator mula sa California sa pangunguna ni Philip Ward, isang myrmecologist, na nag-aaral ng mga tungkol sa langgam.

Habang naglalakad sila sa kabundukan, nakita nila ang kumpol ng maliliit na kulay pula na langgam na inakala nilang ibang uri ng langgam.

Pero nang kanilang suriin, tila mga Little Fire Ants ang mga ito kaya kumuha sila ng sample para pag-aralan hanggang sa makumpirma nila ang kanilang hinala.

Ngunit paano kaya nakarating sa Pilipinas ang mga kinatatakutang langgam na ito, at huli na kaya ang lahat upang masawata ang pagdami nila sa Pilipinas? Panoorin ang video. –FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.