Daily MaverickYouth revolt sweeping Europe holds dire warning for SAThe Jerusalem Post'Another massive failure': Golan denounces Netanyahu after Trump announces aid to Israel to stopInquirerOmbudsman files charges vs 6 DPWH execs over P491-M ‘right-of-way’ scamBollywood HungamaBombay High Court asks BMC to restore Dia Mirza’s Diwali video: “India is a secular country”ZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDFCapital FMLSK links missing Nairobi lawyer to criminal case, demands urgent investigationsIl Fatto QuotidianoParis Jackson vuole 600 milioni di dollari dall’eredità di suo padre Michael e porta in tribunale l’esecutore testamentarioFootball ItaliaFootball Italia Show: English misfires vs Serie A’s €2.5M top scorer! VIDEOThe Straits TimesBeware of phishing scams impersonating courier companies via Apple iMessageWirtualna PolskaFala komentarzy po RBN. "Wytarł Tuskiem podłogę"TechCrunchApple restricts dating apps and AI companions to users 18 and upSportstarEast Bengal vs Al Seeb LIVE score: EBFC 0-2 SEB; Zahir makes it two in added time; AFC Champions League Two updates
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 3, 2026

Pet crematorium na 'di naman na-cremate ang pet kahit bayad, ano ang kasong maaaring kaharapin?

Translate

Labis ang pagdadalamhati ng mga ilang pet owner matapos mag-viral ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga yumao nilang alagang aso at pusa, na mga itinapon sa gilid ng kalsada sa San Jose del Monte, Bulacan, sa halip na i-cremate ng isang pet crematorium sa Cavite. Ano nga ba ang maaaring kaharaping parusa ng pet crematorium kung mapapatunayang nagkaroon ito ng kapabayaaan?

Sa “Ask Atty. Gaby” sa Unang Hirit, sinabi ni Atty. Gaby Concepion na kung talagang may sangkot na panloloko at hindi sumailalim sa cremation ang mga alagang hayop at hindi rin totoong abo ng mga hayop ang ibinalik sa mga owner, kaso ito ng estafa o swindling sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.

Pangunahing pinarurusahan ng krimen ng estafa ang paggamit ng panlilinlang o panloloko para makunan ng pera ang isang tao.

May karampatan itong kulong, depende kung magkano ang nakuha mula sa mga naloko.

Kadalasang Prisión correccional ang kulong na minimum at medium, kung P6,000 hanggang P12,000 ang halagang sangkot.

May kulong itong anim na buwan at isang araw, hanggang apat na taon at dalawang buwan na pinakamahaba.

Maliban dito, maaari ding maningil ang mga naagrabyadong pet owner ng danyos dahil sa pinsala at sakit ng emosyonal na sinapit dulot ng nangyari.

Mayroon ding posibleng kaso sa ilalim ng mga batas kaugnay sa tamang disposal ng mga namatay na hayop.

Paalala ni Atty. Gaby, hindi lang dapat itinatapon sa tabi-tabi ang mga labi ng mga hayop, na ikinokonsiderang “public nuisance” dahil posible itong pagmulan ng sakit at baka maka-contaminate din ng mga tubigan.

Bukod pa rito na hindi kaaya-aya ang amoy ng bangkay ng hayop, at nang-aakit ito ng mga langaw at iba pang mga hayop.

Dahil dito, ipinagbabawal ang hindi tamang pagtatapon ng mga labi ng mga hayop sa ilalim ng Sanitation Code at Ecological Waste Management Act.

Pinayuhan ni Atty. Gaby ang mga pet owner na posibleng nabiktima na itago ang kanilang mga resibo, certificate of cremation, mga usapan sa mga taga-crematorium, at iba pang mga mahalagang dokumento na nagbayad at nangako ang crematorium ng serbisyo ng cremation.

Tiyakin ding i-require na may recording ng proseso ng pag-cremate ng mga alaga para matiyak na ito talaga ang kanilang ginagawa ayon sa mga binayad ng customer.

Mas malaking kasalanan kung gagawin sa human remains ang panlalokong ito.

May liabilidad pa rin sa krimen ng estafa kaugnay sa panlalokong ginawa.

Ang mga labi ng mga tao ay itinuturing bilang “extra patrimonium” o “outside the covers of man” at hindi maaaring basta-basta lamang ididispatsa.

“Kaya't hindi na siya buhay, kahit na hindi na siya buhay at hindi maituturing na tao, may protection pa rin ang batas ukol sa mga labi ng mga tao,” ani Atty. Gaby.

Dahil dito, matinding ipinagbabawal sa ilalim ng Sanitation Code at iba pang mga batas ang pagtapon ng mga labi ng isang tao kung saan saan lamang.

Mas matindi rin ang pananagutan na haharapin para sa moral damages na maibibigay sa pamilya na niloko sa ganitong paraan.

Batay sa Article 309 ng Civil Code, magkakaroon ng liabilidad para sa danyos, para sa naiwang pamilya, kasama na ang moral damages para sa kanilang pagdadalamhati ang hindi pagbigay ng tamang respeto sa namatay.

“Dapat talaga talagang binibigyan ng respeto ang ating mga minamahal sa buhay, whether sila ay buhay or lumipas na,” sabi ni Atty. Gaby. –FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.