DMW: Walang Pilipinong nasaktan sa pag-atake ng missile sa Riyadh noong Setyembre 18-19, 2026

Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes na walang Pilipino ang nasaktan o naapektuhan ng mga pagsabog sa Riyadh, Saudi Arabia, noong Setyembre 18 at 19, 2026.
Sa isang pahayag, sinabi ng DMW na patuloy nitong sinusubaybayan ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng Migrant Workers Offices (MWOs), at masusing koordinasyon sa Philippine Embassy at Consulate.
“The Embassy and Consulate are ready to assist overseas Filipino workers (OFWs) who may need help,” pagtiyak ng DMW.
Noong Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga, naglunsad ang mga militanteng Houthi ng mga pag-atake gamit ang mga drone at ballistic missile na tumarget sa Riyadh, at mga energy facility sa kahabaan ng baybayin ng Red Sea.
Pinayuhan ng DMW ang mga OFW na manatiling mapagmatyag at sundin ang lahat ng gabay at abiso mula sa mga lokal na awtoridad.
“OFWs who need assistance should immediately coordinate with the Migrant Workers Offices of the Philippine Embassy and Consulates,” ayon sa kagawaran.
Para sa mga urgent concern, sinabi ng DMW na maaaring makipag-ugnayan ang mga OFW at kanilang pamilya sa mga sumusunod:
MWO Alkhobar
Labor Attaché Sulaiman Mutya
Telephone: +966 56 232 9926
MWO Jeddah
Labor Attaché Fidel A. Macauyag
Email: mwo_jeddah@dmw.gov.ph
Telephone: +966 56 981 9720
MWO Riyadh
Labor Attaché Dominador A. Salanga
Email: mwo_riyadh@dmw.gov.ph
Telephone: +966 50 285 0944
Migrant Workers Offices Operations Support Bureau (MWOOSB)
Officer-in-Charge and Labor Attaché to Israel Geraldine Mendez
Email: oas-mwws@dmw.gov.ph
Telephone: (02) 8724-3557
DMW hotlines
1348 — NCR
02 1348 — outside Metro Manila
+632 1348 — overseas
Tiniyak ng DMW sa publiko na patuloy nitong imo-monitor ang mga kaganapan at maglalabas ng karagdagang update kaugnay ng insidente. — FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.