ESPNNBA Rank 2026: The new top 10 features a razor-thin race for No. 1Daily MaverickANALYSIS: Economic fire — Interest rate adjustment makes for interesting braai chatThe Jerusalem PostPollster warns Likud that attacking Ofer Winter is a ‘very big gamble’ as party drops to 18 seatsPunchFIFA names Nigerian referee among 81 officials for U-17 World CupUN NewsThe Takeaway: UN General Assembly debate Day 2Bollywood HungamaForget Bollywood box office! Juhi Chawla has quietly built her EMPIRE from Rs. 4,600 cr to Rs. 7,790 cr in ONE YEARRTP DesportoMotoGP em Portugal pelo menos até 2029The Japan TimesA trumpet-led finale brings new spark to Seiji Ozawa Matsumoto FestivalAitnewsملخص مؤتمر Meta Connect 2026.. نظارات واقع افتراضي أخف ونماذج جديدة للذكاء الاصطناعيRTL BoulevardZechiël sluit aan bij Jong Oranje voor belangrijk duel met Noren7sur7La CIA met en garde: la Russie pourrait saboter des câbles essentiels à nos paiementsCBC NewsMarineland dolphin dies at Spain aquarium, 5th death after rescue transfer
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, September 24, 2026

Bagyong 'Queenie,' nasa PAR na; mga lugar na makararanas ng pag-ulan, alamin

Translate

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Queenie na inaasahang magdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa ilang lugar sa bansa.

Ayon sa state weather bureau na PAGASA nitong Huwebes, partikular na maaapektuhan ng pag-ulan na dala ng bagyo sa Sabado ang Batanes at Babuyan Islands

Sa ulat naman ng GTV News Balitanghali, sinabing hindi tatama sa kalupaan ang bagyo, at hindi rin hahatak sa Habagat.

Pero nagpapaulan na ang buntot nito sa bahagi ng Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

Sa 11 a.m. advisory, sinabi ng PAGASA na si Queenie (international name: Surigae) ay nasa layong 1,310 kilometro silangan ng Northern Luzon nitong 10 ng umaga. Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 75 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna, at pagbugsong umaabot sa 90 kph.

Kumikilos ito pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 35 kph.

Sa kasalukuyan, walang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, maaaring magdala ang gilid at buntot ng bagyo ng malalakas hanggang katamtaman na pagbugso ng hangin sa Batanes, Babuyan Islands at Ilocos Norte ngayong Huwebes.

Nagbabala rin ang ahensya sa bahagya hanggang katamtamang pag-alon ng dagat, na maaaring umabot sa isa hanggang dalawang metro ang taas sa mga baybaying-dagat ng Northern Luzon sa susunod na 24 oras.

Ayon pa sa PAGASA, inaasahang mananatili ang lakas ni Queenie hanggang Biyernes at unti-unti itong lalakas pa habang nasa loob ng PAR.

Posibleng umabot ito sa typhoon category pagsapit ng Linggo.

Hindi naman inaasahan na direktang makaaapekto sa lagay ng panahon sa bansa ang bagyo sa susunod na tatlong araw, ayon sa PAGASA. – FRJ GMA News

View the original on GMA News

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.