Lalaki, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Tarlac City

Duguan na bumulagta sa bangketa ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng rinding-in-tandem suspects sa Tarlac City.
Sa ulat ni CJ Torida sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing nangyari ang krimen dakong 2:00 pm nitong Martes sa Barangay Karangyan.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na palabas ng kanto ang biktima para magtinda ng manok nang dumating ang dalawang salarin na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril siya ang lalaki.
Isinugod ang biktima sa ospital pero hindi na siya umabot nang buhay.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Glen Santiago, hepe ng Tarlac City Police Station, dating nasangkot sa ilegal na droga ang biktima.
Gayunman, hindi pa tiyak ng pulisya kung may kaugnayan ang nangyaring krimen sa ilegal na droga.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at pagsusuri sa mga CCTV camera sa lugar na maaaring makatulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga salarin.
Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang mga kaanak ng biktima, ayon sa ulat.—FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.