CNN Türkİstanbul’da FETÖ operasyonu: 19 şüpheli gözaltına alındıBollywood HungamaBigg Boss 20: Qazi Touqeer recalls being labelled “arrogant” after turning down Ekta Kapoor’s TV offer in 2005: “Main chhota tha, 20 saal ka…”PunchWorld Anaesthesia Day: Doctors call for better equipment, fundingDaily MaverickWORLD FOOD DAY EDITORIAL: Hungry by design: hunger must be on the ballot on 4 NovemberRTP DesportoLiga Europa. Benfica goleia Celtic por 4-1The Jerusalem Post'We'll knock it out fast': Trump threatens Iran's Pickaxe Mountain nuclear site with strikesInquirer3 dead, 1 wounded in Negros Oriental town shootingESPNTransfer rumors, news: Arsenal eye January move for Bayern Munich defenderInquirer EntertainmentAl Pacino to get lifetime achievement award from the Screen Actors GuildZDF heuteSo haben sich die Mieten in Ihrer Region entwickeltUOLEm sabatina, Lula dá guinada sobre redução da maioridade penalSky TG24Elezioni Usa Midterm, Anthropic integra chatbot Claude contro le fake news
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 16, 2026

NBI, sinubpoena ang mga miyembro ng 'Machong Chismisan' podcast

Translate

Naglabas ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga subpoena sa mga miyembro ng podcast na "Machong Chismisan" matapos ang kanilang mga pahayag tungkol kay Joshua "Josh" Aquino, anak ni Kris Aquino.

Inimbitahan ang mga miyembro ng podcast na humarap sa NBI sa iba't ibang oras sa Oktubre 20, Martes, para magbigay-linaw sa imbestigasyon tungkol sa mga paglabag umano sa Magna Carta for Disabled Persons, kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Umani ng batikos ang podcast dahil sa burado nang episode na pinamagatang "Ang Pagbabalik Ni Kris Aquino," kung saan nagbigay ng mga mapangutyang pahayag ang mga host kay Josh sa pamamagitan ng pagkukumpara sa kaniya sa kaniyang nakababatang kapatid na si Bimby, pati na rin ang panlalait tungkol sa kaniyang kapansanan.

Kasunod ng mga negatibong reaksiyon, tinanggal na ng "Machong Chismisan" ang episode at humingi ng tawad sa buong pamilya Aquino.

Tinuldukan din ng Pod Network ang kontrata nito sa podcast.

Ayon sa ulat ni Sam Nielsen sa Super Radyo dzBB, dalawang miyembro na ang nakatanggap ng kanilang mga subpoena.

Sinabi rin umano ni NBI Director Melvin Matibag na hindi sapat ang paghingi ng tawad ng mga miyembro ng podcast para mabura ang pananagutang kriminal.

Nauna nang sinabi ng TV host na si Boy Abunda na kung tatanungin siya ni Kris, papayuhan niya itong magsampa ng mga kaso laban sa mga nagkasala umano.

Sa isang post sa Instagram, sinabi ni Kris na pinili niyang huwag maglabas ng pahayag bilang tugon sa "irresponsible and uninformed opinions" dahil ayaw niyang bigyan sila ng "word war" na inaasahan nila. —Jamil Santos/AOL GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.