Grade 9 student na kritikal matapos ang pamamaril sa Banga Nat'l HS, bumubuti na ang lagay

Bumubuti na ang kalagayan ng isang Grade 9 student na nabaril sa ulo matapos ang pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato, ayon sa South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, sinabing conscious at responsive ang estudyante matapos maging kritikal ang kaniyang kondisyon.
Sumailalim sa operasyon ang biktima, na idinadaing ang malabo niyang paningin.
Patuloy ang pag-alam ng PDRRMO sa iba pang mga pangangailangan ng Grade 9 student.
Siniguro nilang sasagutin ng pamahalaan ang gastusin sa pagpapagamot at pagpapagaling ng estudyante. –Jamil Santos/NB GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.