The Jerusalem PostHamas used double agents, deception to fool Israel ahead of October 7 massacre, study findsESPNNBA, FIBA say Europe push to continue without EuroLeaguePunchEPL managers cautious after Man City guilty verdictESPN DeportesRodgers resta importancia a discusión con el HCBollywood HungamaPrasanna Bisht starrer Bokshi release postponed to December 4 after CBFC review over witchcraft and gruesome violenceRTP DesportoRonaldo poderá já estar a cumprir suspensãoTechCrunchGoogle releases a new local-first Granola competitorCNN بالعربيةالكاتبة الكندية آن كارسون تفوز بجائزة نوبل في الأدب لعام 2026BBC عربيجماعة أنصار الله الحوثية تعلن استهداف مطار الرياض للمرة الثانية اليومPremium TimesNigeria at 66: Understanding its politics of the supernatural, By Ayo AkereleWirtualna PolskaAtaki w szkołach. Kaczyński wprost: Państwo Tuska zawiodłoIl Fatto Quotidiano“Tribunale islamico” in Italia? Il caso di Padova scatena la polemica: cos’è la Camera arbitrale e cosa dice la legge
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, October 8, 2026

Satisfaction rating ni Marcos, bumaba sa negative 11 sa SWS survey

Translate

Muling bumaba ang satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa nitong nakaraang Setyembre 2026.

Sa pinakahuling survey na inilabas nitong Huwebes, sinabi ng SWS na noong Setyembre 2026, nasa 35% ng mga adult Filipino ang nasiyahan sa trabaho ni Marcos, habang 20% ang hindi makapagpasya, at 46% ang hindi nasiyahan.

Ang resulta nito, nakapagtala si Marcos ng net satisfaction score na -11, na itinuturing “poor” o mababa. Mas mababa pa ito sa -7 rating niya noong Hunyo na tinawag naman ng SWS na “neutral.”

Gayunman, mas mataas pa rin ang pinakahuling rating ni Marcos kaysa sa record low na -15 na nakamit niya noong Marso 2026.

Pinakamataas ang net satisfaction rating ni Marcos sa Balance Luzon, na nakapagtala ng neutral net zero, sinundan ng poor na -13 sa Visayas, poor na -21 sa Mindanao, at pinaka-mababa na -27 sa Metro Manila.

Sa lahat ng lugar maliban sa Mindanao, bumaba ang satisfaction rating ni Marcos kumpara sa resulta ng survey noong Hunyo 2026.

Sa Balance Luzon, bumaba ito ng 11 puntos mula +11; 10 puntos sa Visayas, mula -3; at tatlong puntos sa Metro Manila, mula -24.

Samantala, tumaas ng 14 puntos ang net satisfaction rating ni Marcos sa Mindanao, mula -35 noong Hunyo.

Isinagawa ang survey mula Setyembre 21 hanggang 27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adult Filipino. May kabuuang 600 sa mga respondent ay mula sa Balance Luzon o mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Metro Manila, habang tig-300 naman ang mula sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.

May sampling error na ±3% para sa national percentages, ±4% para sa Balance Luzon, at tig-±6% para sa Metro Manila, Visayas at Mindanao. —FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.