The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, November 17, 2026

Pamilyang natutulog, nagising sa ahas na tila lumalangoy sa ibabaw ng kanilang kulambo

Translate

Laking gulat ng isang pamilya sa Alcala, Cagayan nang magising sila na may malaking ahas na tila lumalangoy at nagpapakitang-gilas sa ibabaw ng kanilang kulambo.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, ikinuwento ni Wendy Tablac, na hatinggabi nang magising siya dahil sa pagkakasagi sa kaniya ng anak habang natutulog.

Nang imulat niya ang kaniyang mata, nakita niya ang ahas na halos isang metro ang haba na tila lumalangoy sa ibabaw ng kanilang kulambo.

Hinala nila, maaaring nahulog mula sa kisame ang ahas at bumagsak sa ibabaw ng kanilang kulambo.

Dahil nakalundo at madulas ang ibabaw ng kumalbo, hindi makaalis ang ahas kahit anong gapang ang gawin nito.

Ligtas naman daw nilang nahuli ang ahas at kanila ring pinakawalan.

Wala namang nasaktan sa pamilya sa nangyaring insidente. Hindi rin binanggit kung anong uri ng ahas ang naligaw sa kanilang kulambo.—FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.