The Jerusalem PostLindsay Clancy under suicide watch since the killing of her children, attorney says - reportDaily MaverickLOCAL ELECTIONS 2026: ActionSA surges in Gauteng metros, taking ANC wards — see whereFootball Italia‘Nico Paz is 100% a Como player’ – Ludi addresses future amid Real Madrid, Chelsea and Manchester United linksSRF NewsMidterms 2026 – Trump ersetzt seine Stabschefin durch Stephen MillerScreen Rant10 Best Penélope Cruz Movies Of All Time, RankedGuardian SportEverton v Coventry City: Premier League – liveABC NewsLIVE: Stephen Miller to replace chief of staff Susie Wiles: ABC News LiveRolling StoneTrump First Big Post-Midterms Move Is Promoting Stephen MillerANSAL'incubo degli allarmi bomba nei cieli europei: 'È solo l'inizio'CBS NewsStocks rebound after tech selloff that pushed Nasdaq into correctionNOS EconomieAmerikanen stemmen tegen datacenters, wat betekent dat voor techbedrijven?الشرقأميركا تطالب الصين بتنفيذ التزامات "هدنة بوسان" التجارية "فوراً"
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, November 6, 2026

Alex Eala, panalo sa makapigil-hiningang laban vs Antonia Ruzic sa Hong Kong Tennis Open

Translate

Tinalo ni Alexandra “Alex” Eala si Antonia Ruzic, 7-6(7), 7-5, sa quarterfinals ng Hong Kong Tennis Open upang makapasok sa semifinals. Pero puno nang kaba ang fans bago nakamit ng Pinay tennis star ang tagumpay.

Sa simula ng unang set, nanguna si Eala, 3-2, bago nakuha ni Ruzic ang sumunod na dalawang laro upang maagaw ang kalamangan.

Nakabawi naman si Eala at naitabla ang iskor, ngunit muling nakakuha ng isang laro si Ruzic. Dahil dito, makalapit siya sa pagkuha sa set kung maipapanalo ang susunod na game.

Subalit hindi sumuko si Eala at napanalunan ang sumunod na laro upang maitabla ang iskor sa 6-6, at dalhin ang set sa tiebreaker.

Naging dominante si Eala sa mga unang palitan ng puntos at mabilis na nakalamang, 5-0. Pero nakabawi naman si Ruzic sa pamamagitan ng pagkuha ng apat na sunod na puntos.

Nagpalitan pa ng puntos ang dalawa hanggang sa makalamang si Ruzic, 7-6.

Ngunit nakuha ni Eala ang sumunod na tatlong puntos upang masungkit na ang nakakapagod at nakakanerbiyos na unang set.

Sa ikalawang set, umabante si Eala, 2-1, bago naitabla ni Ruzic ang iskor. Sunod na nakuha ng Pinay tennis star ang dalawang laro upang makalamang, 4-2.

Nakakuha naman ng isang laro si Ruzic bago pansamantalang itinigil ang laban dahil sa ulan habang nasa ikawalong laro sila.

Nang ituloy na ang laban, nagpatuloy din ang magandang laro ni Ruzic at nakalamang, 5-4.

Pero muling nakabawi si Eala at naitabla ang iskor bago nakuha ang dalawa pang sunod na laro upang angkinin din ang panalo sa second set.

Sunod na makakaharap ni Eala si Maria Sakkari ng Greece para sa puwesto sa final.

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.