PunchObi: I’ll spend holidays in Zamfara, Borno if electedESPN Deportes¿Por qué se celebra el Gran Premio de Bahréin de F1 en Malasia?InquirerTrillanes off witness list in VP trial, cites ‘pressure’ on teamESPNBrowns best Steelers on TNF to take lead in AFC NorthNumeramaVous pouvez « détruire » n’importe quel site web grâce à ce petit bonhommeDaily MaverickEritrea severs diplomatic ties with Ethiopia after Addis Ababa orders closure of embassy in AsmaraSeeking AlphaUS trade deal with India not ‘imminent’ despite ‘constructive’ Modi-Trump call, says USTR Greer한겨레한국 테니스 12년 만의 금메달 도전 무산…남지성-박의성, 남자 복식 ‘은’CNN TürkALTIN FİYATLARI 2 EKİM 2026 CANLI: Bugün Gram, Çeyrek, Cumhuriyet Ne Kadar? Kapalıçarşı Altın Fiyatları Ne Durumda?SözcüAKP’li isimden eski SPK başkanına sert sözler: "Bunu bir güzel döveceksin"Daily MailGrieving Gypsy-Rose Blanchard speaks out after ex fiance's sudden death as she claims he was 'relentlessly cyberbullied' before passing and makes vow to their daughterCNN بالعربيةسوريا ترد على تدوينة عن إجراء محادثات مباشرة مع حزب الله في تركيا
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 2, 2026

[OPINYON] Para sa iyo, estudyanteng Inglesero

Translate

[OPINYON] Para sa iyo, estudyanteng Inglesero

Raphael Reyes/Rappler

Kailangan natin ang mas maraming magtataguyod ng Filipino hindi lámang sa malikhaing pagsulat at sining. Kailangan natin ng mahuhusay na engineer, mathematician, philosopher, chemist, physicist, at iba pang mga propesyonal na gagamitin ang ating wikang pambansa.

AT A GLANCE

  • Naisasantabi na ang paggamit ng wikang Filipino sa mga pribadong paaralan, hindi katulad noong mga unang bahagi ng 2000s.
  • Mahalaga ang maging bilingual. Ang kakayahang magsalita sa Filipino ay mahalaga para maunawaan ng isang tao ang kanyang komunidad at makipag-ugnayan dito.
  • Hámon sa mga estudyanteng Inglesero na magpakahusay sa Filipino. Kapag higit sa isang wika ang nalalaman ng mga ito, higit sa isang paraan ng pag-iisip at kultura ang nabubuksan sa isip nila.

This is AI-generated. Read the article for full context. Report any errors.

Sorry, dude, pare, chong, bro.

Hindi ako sorry na magfi-Filipino sa pagkausap sa iyo ngayon. 

Nabalitaan ko na di na raw ganoong nagfi-Filipino sa maraming pribadong paaralan natin. Kompara noong panahon ko circa early 2000s. Oo, may pinagkatandaan na rin pala ako.

Kailangan ko sigurong mag-under-cover sa mga sumunod na araw para malaman kung totoo talaga itong penomenon na ito na naghari na ang English-Only Policy. 

Pero kung totoo talaga ito, una ko nang sasabihin na isang malaking kawalan sa sinumang estudyante kung hindi ka magiging mahusay sa Filipino. Isang bentaha o advantage ang pagiging bilingual. Minimum ang pagiging bilingual. Kayâ magbabahagi lang din ako ng kaunting danas tungkol sa sariling pagtataguyod ng ating wika. 

Tulad ninyo, sabi nila, trademark daw ng ilang mga paaralan ang Ingles nila. Narinig ko na ito sa isang kaibigang babae noong undergrad pa ako sa isang paaralan sa España. Siyempre, kapag una mong narinig, ipagmamalaki mo. Wow, may sariling paraan pala kami ng pag-i-Ingles na mahusay. 

Pero saan ba táyo nadala ng husay na iyon? Para sa ating tagumpay sa mas mataas na edukasyon? Para makakuha ng magandang trabaho? Para kapag nag-alumni homecoming ay magyayabangan tayo sa isa’t isa at mag-i-Inglesan? Naisip ko ulit na hindi rin naman pala mga konyo ang ka-batch ko. Wagas nga ang pagfi-Filipino namin. Sagad sa buto ang mga mura, biruan, at pangangatwiran.

Sana matanong ninyo rin sa hinaharap para masagot ito: Ingles lámang ba ang makatutulong para maging mabuting mga Filipino táyo ngayon at sa hinaharap? 

Samantalang may wika táyo na itinaguyod ng mga nauna sa atin para tugunan iyon: ang maging mas mabuti at mahusay na Filipino. 

Bakit? Dahil mas maiintindihan táyo ng mga kapuwa natin kapag ginamit natin ito. Sa trabaho ko bilang mananaliksik ng wika at kultura, nalibot ko na rin ang Filipinas at masasabi ko sa inyo na nagkakaunawaan kami ng kausap ko na Lambangian gáling Magindanaw o Itnëg mulang Abra kapag ginamit namin ang Filipino sa harap ng mga pagkakaiba namin sa wika. At, siyempre, nagtatangka rin akong matutuhan ang mga wika nila kahit kakaunti lámang ang ibinigay na panahon.

Haharapin mo rin ito kapag lumabas ka na rito sa iyong pugad ng pribilehiyo. Malamang magtutungo ka sa unibersidad na default ang wikang Ingles. Tandaan mo, default lang, at puwedeng-puwede mong gamitin pa rin ang wikang pambansa natin. At paglabas sa mga unibersidad patungo sa mga alternatibong unibersidad ng mga pamayanan nating dapat paglingkuran, makikita mo na hindi naman umiikot sa Ingles ang bayan natin.

Kayâ habang bata ka pa, kailangan mong malaman na kailangan natin ang mas maraming magtataguyod ng Filipino hindi lámang sa malikhaing pagsulat at sining. Higit pa rito, kailangan natin ng mahuhusay na engineer, mathematician, philosopher, chemist, physicist, at iba pang mga propesyonal na gagamitin ang ating wikang pambansa.

Pangarap natin kasi iyon sa wika natin, ang maging isang intelektuwalisadong wika tulad ng Ingles, Japanese, Spanish, German, atbpa. Intellectualized kasi ginagamit sa iba’t ibang field para lumikha ng karunungan. Intellectualized kasi araw-araw ginagamit ng mga user nito at hindi lámang tuwing Buwan ng Wika. 

Hámon ko po sa iyo ito, estudyanteng Inglesero: magpakahusay ka sa Filipino. At sakâ, kilalanin at aralin mo ang mga wika ng iyong magulang at lolo’t lola na nagsasalita ng Ilokano, Sebwano, Hiligaynon, Ivatan, atbpa. Kayamanan at angat ang pag-iisip ng isang táong hindi lámang isa ang nalalamang wika. 

Bakit? Kapag higit sa isang wika, higit sa isang paraan ng pag-iisip at kultura ang nabubuksan sa isip mo. Matututuhan mong hindi lámang pag-iisip ng mga Amerikano o Britong nag-i-Ingles ang umiiral. Mayroon din táyong sarili sa Filipino, meron din táyong maraming magkakaugnay at magkakaibang sarili sa ating 137 katutubong wika. 

Kayâ sa pagtatapos, gusto ko lang ding magpugay sa mga naging guro ko sa Filipino sa aking munting paaralan sa Shaw Boulevard na sina Ginang Lumanog at Binibining Rarang. Kasama na rin sina Sir Jepoy at Sir VJ, na nagturo sa akin ng kasaysayan sa sariling wika. Kung babalikan ko nga, dapat mas pinagbuti ko pa sa kanilang klase. Kasi, tulad mo, feel na feel ko rin na sa Ingles lang ako dapat maging magaling dati. – Rappler.com

Sumusulat si Roy Rene S. Cagalingan ng mga tula at sanaysay. Kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Naglilingkod siya sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

View the original on Rappler →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.