ESPN DeportesCanelo y el método Usyk: ¿qué cambió en su preparación?ESPNInside the stunning 72-hour Lakers sale -- and the uncertainty that still loomsInquirerCalamba City sizzles as heat index hits 43°CThe Jerusalem PostEisenkot is hoping to beat Netanyahu, but what does the Yashar leader stand for? - explainerZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioVarietyNetflix Grapples With Digital-Ad Squeeze Amid Widening Glut of Streaming CommercialsCapital FMIEBC suspends Migwani ward by-election following court order7sur7Philippe et De Wever: les secrets d’un mariage contre natureVilaWebLa participació en les eleccions d’Israel supera el 31% al migdia, la més alta d’ençà del 1973VanguardChinese state TV suspends La Liga broadcasts after Mbappé remarkWirtualna PolskaHołownia rozmawiał z Tuskiem. "Uzyskałem zapewnienie"CNN بالعربيةلقطات توثق اعتداءً مزعومًا على رجل يهودي في نيويورك.. واتهام امرأة بجرائم كراهية
The Daily Newsstand · Free, Always
Tuesday, October 27, 2026

SC: Empleyado, 'di maaaring piliting magretiro nang maaga nang walang pahintulot nito

Translate

Idineklara ng Korte Suprema (SC) na hindi maaaring piliting magretiro ang mga empleyado bago ang mandatory retirement age na 65 kung hindi ito sumasang-ayon o pumapayag sa kasunduan.

Sa 22-pahinang desisyon, pinagtibay ng First Division ng SC na sa ilalim ng Labor Code, maaaring piliin ng isang empleyado na maagang magretiro sa edad na 60, ngunit nananatiling 65-anyos ang mandatory retirement age.

“The Labor Code permits employers and employees to fix the applicable retirement age at below 60 years. Absent such an agreement, the retirement age shall be that fixed by law, and the above-cited law mandates that the compulsory retirement age is 65 years, while the minimum age for optional retirement is set at 60 years,” ayon sa SC.

Batay sa court records, ilegal na tinanggal sa trabaho ng employer na Colegio de San Juan de Letran - Laguna ang petitioner na si Rodolfo C. Ondevilla, matapos na ituring expired na ang kaniyang appointment nang maging 60-anyos na siya.

Kapuwa pumanig kay Ondevilla ang Labor Arbiter at National Labor Relations Commission (NLRC), habang pinagtibay rin ng Court of Appeals (CA) ang desisyon na ilegal ang kaniyang pagkakatanggal sa trabaho.

Bagama't binanggit ng CA na pumayag si Ondevilla na magretiro simula Hulyo 31, 2020, batay sa liham na ipinadala niya sa kaniyang employer, pinagtibay pa rin ng Mataas na Hukuman na ilegal ang kaniyang pagkakatanggal dahil hindi tinanggap ng paaralan ang mga kondisyon sa pagreretiro na nais ng petitioner.

Binigyang-diin ng SC na ang isang optional retirement plan ay dapat nakabatay sa kapuwa pagsang-ayon ng employer at empleyado. Dapat malaya at malinaw na pumapayag ang empleyado nang walang anumang pamimilit o pananakot, dahil ang pagtanggap sa optional retirement ay nangangahulugan ng pagsuko sa karapatan sa seguridad ng pananatili sa trabaho.

“Considering that CSJL denied Ondevilla's preference to retire on July 31, 2020, he is deemed to have been illegally dismissed from employment,” ayon sa korte.

Iniutos ng SC sa Colegio de San Juan de Letran - Laguna na bayaran si Ondevilla ng buong backwages o sahod na hindi niya natanggap mula Agosto 29, 2019 hanggang Agosto 29, 2024.

Dapat din bigyan ng separation pay si Ondevilla sa halip na ibalik siya sa trabaho.

Bukod dito, ipinagkaloob ng SC kay Ondevilla ang retirement benefits para sa kabuuan ng kaniyang paninilbihan mula Hunyo 16, 2004 hanggang Agosto 29, 2024, nang maabot niya ang mandatory retirement age na 65.

“The total monetary award shall earn legal interest at the rate of 6% per annum from August 29, 2019 until fully paid,” saad sa desisyon.

Pinonente ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando ang desisyon, na ipinahayag noong Hunyo 2026 at inilathala sa social media nitong Martes lang, Oktubre 27, 2026. — FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.