PunchWhy Obasanjo called me ‘ashawo’ — Charly BoyESPNTransfer rumors, news: Man United, Chelsea monitoring Benfica defenderUN News‘I have not lost my dreams’: Refugee education funding cuts threaten millionsInquirerEastern Visayas El Niño threat: DOST ramps up climate monitoringThe Jerusalem PostAmbassador to UAE says flydubai incident didn't weaken Israel-Emirati relations - interviewDaily MaverickHas the City of Cape Town stopped listening to residents who oppose development?ZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-Nachrichtenstudioالشرقبعد ضغوط أميركية.. الاتحاد الأوروبي يدرس طرح 50 مليون برميل من الديزلSportstarIndia vs China LIVE score, Asian Games 2026 women's hockey final: IND 0-0 CHN; First quarter underwayХабрПрорыв GPT-6 Astra, Claude взрослеет до версии 5.5, скандал вокруг задачи Навье-Стокса: главные события в ИИ за сентябрьn-tv"Weitergabe sensibler Daten": OpenAI feuert drei SicherheitsforscherHindustan Times SportManchester City ‘files comprehensive appeal’ after Premier League finds club guilty of financial fraud: ‘We are innocent’
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, October 2, 2026

Drug pusher at parokyano, arestado sa buy-bust operation sa Payatas, QC

Translate

Timbog ang isang lalaking nagbebenta umano ng droga at kaniyang babaeng parokyano sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Payatas, Quezon City.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Biyernes, dinakip ang 38-anyos na lalaki nang mabilhan siya ng droga ng pulis na nagpanggap na buyer.

Inaresto rin ang 38-anyos na babae na kaniyang kaibigan na naaktuhang bumibili ng kontrabando.

Bago nito, isang residente ang nagsumbong na labas-masok ang mga tao sa lugar.

"'Yung ating mga operatiba, nag-conduct sila ng validation du'n sa lugar kung talagang totoo itong isinusumbong ng isang concerned citizen. At nu'ng makumpirma nga nila na itong lalaking ito, itong ating suspect na ito, ay sangkot nga sa pagbebenta ng ilegal na droga, agad naman po tayo nakipag-coordinate sa PDEA," sabi ni Police Lieutenant Colonel Rowena Amata, Commander, Payatas Bagong Silangan Police Station.

Ilang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P27,000 ang nakuha sa mga suspek.

Sinabi ng pulisya na patuloy nilang inaalam kung nagsisilbing drug den ang bahay.

"'Yung modus or transaction niya is 'yung mga parokyano niya, or mga bumibili sa kaniya, is pinapupunta niya mismo roon sa bahay niya. Para sa tingin nila, walang makakakita o safe sila sa pag-aabutan nila ng ilegal na droga," sabi ni Amata.

Umamin ang lalaking suspek sa pagbebenta ng droga, dahil mahina umano ang kanyang kita sa pagiging pahinante ng truck.

"Dala lang po ng kahirapan," sabi ng lalaking suspek.

Iginiit naman ng babaeng suspek na napag-utusan lang daw siya na bumili ng droga.

"Bumabawas lang din po ako kapag inuutusan ako eh. Minsan P200, P300. Bumabawas lang ako sa pera," sabi ng babaeng suspek, na umaaming gumagamit din.

Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. — Jamil Santos/ VDV GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.