ESPNTransfer rumors, news: PSG eye Man City midfielder Cherki amid Premier League chargesESPN DeportesCómo las lesiones impactan las semifinalesThe Jerusalem PostOn this day: US, Britain strike Afghanistan over September 11 attacks, kickstart War on TerrorDaily MaverickROVING REPORTERS: From killing lions to saving them — how Kenya’s Samburu warriors repurposed their skillsBollywood HungamaRanbir Kapoor becomes the new brand ambassador of Mantra GroupRTP DesportoMessi: "Foi um enorme orgulho defender esta camisola nos últimos 20 anos"CBC NewsMinister hold news conference about MAIDBillboardBranding Vet Richard Yaffa Founds A⁵ Media Group to Help Brands & Artists Build Direct Fan RelationshipsThe Hollywood ReporterJulio Peña Joins Josh Heuston, Nicole Wallace in Amazon MGM’s ‘Throttled’HipertextualGoogle abre SynthID Detector para que todos puedan identificar audios, imágenes o vídeos creados con IADeadline‘The Hunting Wives’ Renewed For Season 3 By Netflix Ahead Of Season 2 Release
The Daily Newsstand · Free, Always
Wednesday, October 7, 2026

BALIKAN: Suspek sa Hultman-Chapman Double Slay Case na si Teehankee Jr., nakalaya dahil sa Executive Clemency

Translate

Pauwi noong madaling araw ng Hulyo 13, 1991 ang magkakaibigang sina Maureen Hultman, Roland John Chapman, at Jussi Leino galing sa isang night out, nang isang lalaki ang humarang sa kanila at pagbabarilin sila sa loob ng isang exclusive village sa Makati.

Nasawi si Roland, habang sugatan sina Maureen at Jussi. Matapos ang ilang buwang pagka-coma, pumanaw rin si Maureen.

Pangunahing suspek ang 50-anyos noong si Claudio Teehankee Jr., anak ng dating Supreme Court Chief Justice Claudio Teehankee Sr. Makalipas ang 17 taon, nakalaya rin siya dahil sa clemency, na muling nagbukas sa sugat sa mga pamilya ng mga biktima.

Sa nakaraang episode ng “Philippine Controversies Revisited” ni Emil Sumangil, binalikan na pasado 3 a.m. nang ayaing umuwi ni Maureen ang mga kasama na sina Roland at Jussi, parehong 21-anyos.

Naglakad-lakad noon sina Maureen at Jussi, sa Dasmariñas Village, Makati, habang nanatili sa kaniyang sasakyan at nakikinig ng musika si Roland.

Ilang saglit pa, dumaan ang isang silver gray na kotse na lulan si Claudio Teehankee Jr. Bumaba siya ng sasakyan at mistulang sisitahin ang mga kabataang nakatambay sa kanilang village.

Tinanong ni Teehankee Jr. kung sino sila at humingi ng ID.

Inakala ni Jussi na isa lamang itong routine identification kaya iniabot niya ang kaniyang ID. Nang komprontahin ni Roland si Teehankee at tinanong kung sino ito at bakit ginugulo ang mga kaibigan, tinulak umano ni Teehankee si Roland, bumunot ng baril at inasinta ang binata sa dibdib.

“Di napansin ni Teehankee na parating pala sa likod niya. So nang nagtanong si Chapman, ‘What's the problem man?’ Napalingon si Teehankee at nakita niya si Chapman na medyo may kataasan din, bata pa, matipuno,” kuwento ni Atty. Dennis Villa Ignacio, legal counsel ng mga Hultman.

Si Maureen naman, sumigaw para humingi ng tulong.

Binaling ni Teehankee ang atensyon kina Jussi at Maureen, hanggang sa binaril na niya si Jussi, na tinamaan sa itaas na bahagi ng panga.

“Si Leino, sinuwerte dahil na deflect 'yung tama ng .38 revolver ng ngipin niya. So umi-slide at it took him some time to be able to testify in court,” sabi pa ni Ignacio.

Bumagsak si Jussi pero hindi nawalan ng malay, hanggang sa makarinig pa siya ito ng isa pang putok at nakita na bumagsak si Maureen sa kaniyang tabi.

Agad na tumakas ang suspek. Dead on the spot si Roland, gising si Jussi at nakatawag pa ng saklolo. Kritikal naman si Maureen.

“Nakarinig ako ng putok. Pagsilip ko nga si Maureen pinapaluhod. Sabi nga ni Maureen, ‘Don't shoot me! Please, don't shoot me,” sabi ni Domingo Florece, testigo sa pagbaril kina Maureen.

Natandaan nila ang plate number ng sasakyan bilang PDW 566, na gamit ‘di umano ng lalaking bumaril.

Nakumpirmang nakarehistro ang sasakyan sa pangalan ni Claudio Teehankee Jr.

Pagtukoy sa suspek

Ilang araw makaraan ang pamamaril, nagpunta ang NBI kay Jussi, na kalalabas lamang ng ospital. Sa anim na lalaki na iniharap sa kaniya, hindi siya nagdalawang-isip at positibong itinuro si Teehankee Jr.

Agad ibinalik ng NBI agent si Teehankee sa opisina at inihanda na ang pagsasampa ng kasong murder para sa pagkakapatay kina Roland, at double frustrated murder para naman sa pagkakabaril kina Maureen at Jussi.

Agaw-buhay si Maureen makaraang barilin sa kaliwang sentido, na-comatose at sumailalim sa ilang brain surgeries.

“I don't see how somebody could just decide to play God and shoot her like this,” sabi ng ina ni Maureen na si Vivian sa panayam sa kaniya ni Jessica Soho.

Paglilitis kay Teehankee Jr.

Agosto 1991 nang pormal na inumpisahan ang paglilitis kay Claudio Teehankee Jr.

Kabilang si Teehankee Jr. sa pamilyang may malaking impluwensiya sa politika dahil sa kaniyang ama na dating Chief Justice ng Supreme Court na si Claudio Teehankee Sr.

Kalaunan, ang kaniyang kapatid na si Manuel Teehankee ang magiging ambassador at opisyal na kinatawan ng bansa sa World Trade Organization sa Geneva, Switzerland.

Buong tapang namang hinarap ng biktimang si Jussi ang akusado at nadiin nang husto si Teehankee matapos magpresenta ang prosekusyon ng iba pang witness sa korte.

Sinabi naman ng defense team ni Teehankee na ang kaniyang anak na si Claudio Teehankee III ang gumagamit ng sasakyan ngunit hindi na umano ito nagagamit pa at nakaparada na lamang sa bahay ng nanay ni Teehankee Jr.

Paglatag pa ng defense team ni Teehankee, batay na rin sa salaysay ng pulisya na nag-imbestiga sa crime scene, may nakausap silang kasambahay na nakasaksi rin sa insidente.

Ayon sa kaniya, sangkot sa pagpaslang ‘di umano ang adoptive father ni Maureen na si Anders Hultman, bagay na pinabulaanan ng mga malalapit sa mga Hultman.

Posibleng pinakamalakas na depensa kay Teehankee noon ang paraffin test sa kaniya na negatibo ang resulta. Pero buwelta ng prosekusyon, puwedeng nakompromiso na ang gunpowder sa kamay ni Teehankee dahil sumailalim ito sa paraffin test tatlong araw na nakalilipas matapos ang krimen.

Pagpanaw ni Maureen, lalo pang bumigat ang kaso ni Teehankee.

Oktubre 17, 1991 nang bawian na ng buhay si Maureen, na legal na inampon ng isang Swedish national na si Anders Hultman.

Matapos ang pagkamatay ni Maureen, naging two counts of murder na at isang frustrated murder ang kaso ni Teehankee.

Sa paglilitis sa kaso ni Teehankee, lumalakas na rin ang panawagan noon sa pagbabalik ng death penalty bilang parusa sa mga kaso gaya ng murder.

Paghatol

Halos isa't kalahating taon makaraan ang pamamaril, pinaniwalaan ng korte ang positibong pagkilala ni Jussi sa suspek at ang testimonya ng iba pang mga saksi.

Disyembre 22, 1992 nang hatulan si Claudio Teehankee Jr. na guilty at sinintensiyahan ng reclusion perpetua. Pinagbayad din siya ng civil indemnity at iba't ibang klase ng danyos para sa mga biktima at kanilang pamilya.

Ibinaba sa homicide

Oktubre 6, 1995 o makaraan ang halos tatlong taon, pinagtibay ng Korte Suprema ang kaniyang conviction. Gayunman, ang murder conviction sa pagkamatay ni Roland, ibinaba sa homicide.

Ibinilanggo si Teehankee Jr. sa New Bilibid Prison. Noong 1998, iginigiit pa rin ni Teehankee na inosente siya.

“Yes, I’m totally innocent… Hindi ko naman sinasabing masama lahat ‘yung hustisya natin sa Pilipinas. Pero ‘pag masyadong publicity, you will not get due process,” ani Teehankee Jr.

Executive clemency

Taong 2003 nang humiling si Teehankee ng executive clemency para mapaiksi ang kaniyang sintensya.

Pebrero 2004 nang maglabas ang Board of Pardons and Parole ng isang notice sa publiko na nagsasabing maaaring mabigyan ng executive clemency si Claudio Teehankee Jr.

“Sinabi ko naman sa Board of Pardons and Parole na kailangan may notice ako. Wala akong natanggap eh,” sabi ni Ignacio.

Pinirmahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang commutation order na nagpaikli sa sintensya ni Teehankee Jr.

Oktubre 2008 nang makalaya na si Teehankee.

“You got justice because the murderer was convicted and then suddenly you try to get a normal life, we moved back here to Sweden. And then now this happens again. I'm sorry,” emosyonal na sinabi ni Vivian.

Ilang kritiko ang bumatikos sa desisyon na ito ni noo’y Pangulong Arroyo.

Settlement agreement?

Sa isang Settlement Agreement noong 1999, na nilagdaan ng kinatawan ng pamilya nina Maureen, nakasaad dito na hindi sila tutol sa parole o commutation basta't alinsunod sa batas.

Taong 2003 nang maghain din sila ng satisfaction of judgment matapos mabayaran ang civil obligation sa kanila.

Pero sa paglaya ni Teehankee noong 2008, iginiit nina Vivian at Anders Hultman na hindi sila naabisuhan.

“Yes, we know, but it doesn't say that we do not need to be informed. And the statement that the government is putting out, which basically says that we had agreed or we approved of a pardon, that's completely wrong,” giit ni Vivian.

Para sa kanila, hindi awtomatikong nangangahulugang sinang-ayunan nila ang paraan ng paglaya ni Teehankee ang pagtanggap sa court-awarded damages.

“The way I see it, it was like we were so greedy so that we would be willing to exchange money for the murderer's pardon,” sabi ni Vivian.

Bumalik sa Sweden sina Vivian at Anders Hutlman, na mariing tinutulan ang paglaya ni Teehankee at tinawag itong isang matinding kawalaan ng katarungan. – FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.