The Jerusalem PostUN nuclear watchdog IAEA raises alarm over uninspected Iranian uranium enrichment plant at IsfahanDaily MaverickCape Verde president eyes new term as party builds on legislative winInquirerOriental Mindoro inflation surges to 9.3% in OctoberPunchPolice arrest two over murder of motorcyclist in RiversCNN TürkMalatya’da helikopter neden düştü? Uzman isim değerlendirdi: Kazanın ardındaki 3 ihtimalХабрКэширование в Redis: типичные ошибки, которые превращают ускорение в деградациюZDF heuteAktuelle Pressemitteilungen des ZDF7sur7Ce Diable qui a impressionné Mark van Bommel en Turquie: “Il sera vendu pour un très gros montant”Observador DesportoZero propõe investimento em casas junto a transportesStraits Times SportGo with Joyful Joy in Race 11EuronewsIRGC says it destroyed US radar in Bahrain after attack on southern IranNHK 社会マイクロソフトの障害 メールの相談や課題提出できない大学も
The Daily Newsstand · Free, Always
Friday, November 13, 2026

Ama na OFW ang misis, inaresto dahil sa paulit-ulit umanong panghahalay sa menor de edad na anak

Translate

Matapos ang ilang buwan na pagtatago, nadakip sa Guiguinto, Bulacan ang isang ama na ilang ulit umanong hinalay ang sarili niyang anak na 14-anyos sa Camarines Sur. Ang ina ng biktima, isang overseas Filipino worker.

Sa ulat ni James Agustin sa GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing emosyonal ang 36-anyos na ama nang arestuhin ng mga operatiba ng La Loma Police Station sa isang subdibisyon.

May limang counts ng rape by sexual assault, two counts ng qualified rape, at paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang kinakaharap ng suspek.

Sinabi ng pulisya na suma-sideline ang akusado bilang construction worker at ilang buwan nang nagtatago sa lugar.

“Itong operasyon na ito ay nagsimula nang makatanggap kami ng isang impormasyon na may isang lalaking wanted sa Bicol, nagtatago sa Bulacan. Nang malaman na namin ‘yung kaniyang lokasyon, doon na namin isinilbi 'yung walong warrant of arrest niya,” sabi ni Police Colonel Jose Luis Aguirre, La Loma Police Station Commander sa Quezon City.

Biktima ang 14-anyos niyang panganay na anak na babae, na hindi agad nakapagsumbong dahil sa takot sa kaniyang tatay.

“Lumalabas sa aming imbestigasyon na maraming beses na siyang pinagsamantalahan ng kaniyang ama at ang pinakahuli ay nitong Pebrero. At noong Marso naman, doon na siya nagkaroon ng lakas ng loob para isumbong sa kaniyang tiyahin 'yung mga nangyari. Kaya doon na sila nakapagreklamo at naisampa na 'yung kaso ng pulisya. Ang kaniyang nanay ay nagtatrabaho bilang OFW,” sabi ni Aguirre.

Itinanggi ng akusado ang alegasyon, na sinabing hindi niya alam na may walong arrest warrant laban sa kaniya.

“Hindi ko pinagsamantalahan po, iyon po ang hindi ko po alam (kung bakit nakasuhan). Nagtatrabaho po (sa Bulacan),” sabi ng suspek.

Nakapag-return of warrant na ang QCPD, habang ibibiyahe papuntang Camarines Sur ang akusado.—Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.