3 aso, nilason umano para manakaw ang chainsaw na may halagang P30K sa bahay sa Iloilo
_2026_09_24_13_47_00.jpg)
Patay ang tatlong aso matapos silang lasunin ng isang kawatan para manakaw ang isang chainsaw na P30,000 ang halaga sa isang bahay sa Leon, Iloilo.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa State of the Nation, inilahad ng may-ari ng mga aso na pinakain ng kawatan ang kaniyang mga alaga ng chorizo na may lason.
Doon na tinangay ng salarin ang kaniyang chainsaw.
Naiulat na sa pulisya ang insidente.
Gayunman, walang CCTV sa lugar para sana matukoy ang salarin na posibleng maharap sa mga reklamong paglabag sa Animal Welfare Act at pagnanakaw. — Jamil Santos/VBL GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.