4 na lalaking sakay sa kotse, patay sa pamamaril sa Maguindanao del Sur

Patay ang apat na lalaki matapos silang pagbabarilin habang nasa loob ng isang kotse sa Datu Anggal Midtimbang sa Maguindanao del Sur.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Martes, sinabi ng pulisya na nangyari ang pamamaril sa Barangay Tulunan nitong Lunes.
Sinusuri na ng mga awtoridad ang mga basyo ng bala ng baril sa nakita sa pinangyarihan ng krimen. Inaalam din ang pagkakakilanlan ng mga salarin
Hindi rin residente sa lugar ang mga biktima kaya inaalam din ang kanilang pagkakakilanlan, at motibo sa krimen. – FRJ GMA News
KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.