Inquirer EntertainmentFyang Smith humbled by ‘horror princess’ tag: ‘Malaking responsibility’InquirerDuterte impeachment: Witness shows Carpio buying shoes for youth teamBollywood HungamaHarshvardhan Rane buys luxury home worth Rs 15-16 crores in Mumbai: ReportSky TG24Allarmi bomba, Palazzo Chigi: "No a evacuazioni senza elementi concreti di pericolo"Daily MaverickQUALIFYING PUSH: Bafana Bafana ready to tackle troubled Kenyans in key Afcon qualification clashThe Jerusalem PostZelensky says Starshield speed is being limited again, hampering Ukraine's defensesZDF heuteEntdecken Sie das ZDF-NachrichtenstudioSoompiYounghoon Helps Luda Win Kim Dong Jun’s Heart Across Time In “Wi-Fi Love In The Palace”Antara NewsIndonesia seeks faster capital market reforms to protect investorsBBC NewsMedia industry could be forced to improve safeguards after Walliams allegationsESPN CricinfoICC plans to exercise greater control over T20 franchise leaguesWirtualna PolskaJajo moa sprzedane za 10,5 tys. dolarów. Wróci do Nowej Zelandii
The Daily Newsstand · Free, Always
Thursday, November 12, 2026

Lalaking nagnakaw ng cellphone sa gadget store, hinabol ng mga tao sa Pangasinan

Translate

Nahuli ang isang lalaking nagnakaw ng cellphone sa isang gadget store matapos siyang habulin ng mga tao sa Calasiao, Pangasinan.

Batay sa impormasyon mula sa GMA Regional TV, na iniulat sa Balitanghali nitong Huwebes, mapanonood ang pagtakbo ng ilang tao upang kabulin at mahuli ang umano’y magnanakaw.

Bago nito, nagpanggap ang suspek na bibili sa isang gadget store. Nagkunwaring magbabayad na ang suspek nang bigla nitong itinakbo palabas ng tindahan ang cellphone.

Humingi ng tulong ang tindera sa mga tao kaya hinabol nila ang suspek hanggang sa maabutan nila.

Pagdating sa estasyon ng pulisya, nabawi ang ninakaw na cellphone ng lalaki na nagkakahalaga ng halos P6,000.

Sinabi ng pulisya na dati nang nasangkot sa kaso na may kinalaman sa droga ang suspek.

Kasalukuyan nakakulong sa Calasiao Police Station at nahaharap sa reklamong theft ang suspek, na walang pahayag. – Jamil Santos/FRJ GMA News

View the original on GMA News →

KioskNews shows a cleaned-up reading view extracted from the publisher’s page — the original always lives on their site, not ours.